Una sa Balita

Angelica, Bea ‘kambal’ ang tadhana

0 492

Umamin sina Bea Alonzo at Angelica Panganiban na bago ang nakikita ngayon na sobrang closeness nila sa isa’t isa bilang magkaibigan, dumating din muna sila sa panahon na nagkaroon ng tampuhan at hindi halos nagkakausap.

Ayon kay Bea, “Naranasan namin ‘yan, matagal at kahit noong panahon na hindi kami nakakapag-usap, kapag napapanood ko siya at may naririnig akong mga bagay tungkol sa kanya, alam mo ‘yun, you still get affected,” pag-amin ni Bea.

“You still think about the person. You still wish and pray that she’s better and feel better. At ‘yun ang walang ka-showbiz-an. ‘Yung alam mo na life just happened but alam mo na this person is a good person and she deserves the best. And I’m so glad I got to tell her that now.”

Katulad ng tila premise ng pelikula nilang “Unbreakable”, may pangyayari naman daw kay Angelica na dahil sa lalaki, may nasirang friendship sa part niya. Pero, kaya raw kasi niyang magpatawad kapag kaibigan.

“Kumbaga, kung lalaki lang ang dahilan, parang hindi ko matatanggap ‘yun. Naku, lalaki lang ‘yan, hahanap na lang ako ng iba. ‘Yung ganu’n, ‘di ba?”

“Kinukuwento ko lang ang experience ko ha, never kasi akong nagtanim ng galit dahil naligaw kayo ng landas. Ako rin naman, nagkakamali ako, pero gusto ko rin mapatawad ako.

“So, hindi ko ‘yun ipagdadamot sa mga taong nagkamali sa akin.”

Pero, bakit nga ba nagkakaroon ng break-up sa isang magkaibigan?

“Siguro different reasons po,” saad ni Bea.

“Sometimes friends grew apart. Sometimes, may factor ng betrayal. They just want different things in life. Siguro po, ‘yun ang dahilan kung bakit nagkakahiwalay ang isang magkaibigan.

“But I also believe that friendship is a commitment. And if you commit to being friend with somebody, ‘di ba, kailangan mo rin panindigan ‘yun through thick and thin.”

Pareho nga silang nakaka-relate sa isa’t isa dahil sa pag-ibig ay halos pareho ang kanilang mga pinagdadaanan.

Alonzo ipaglalaban nang patayan ni Angge

Parang break-up din ba sa isang boyfriend na wala nang balikan ang friendship?

Na sinagot ni Angge ng, “Naniniwala kasi ako na ang magkaibigan, kapag nagkaroon kayo ng falling apart, mas madaling ayusin, i-patch ‘yung mga bagay, regardless kung malaki o maliit ‘yung mga naging problema.

“And I think, time heals naman. Kahit naman sa boyfriend o sa kaibigan mo, kapag nagamot mo na ang mga sugat, I think, kaya mo nang magpatawad.

“At depende na lang sa inyo kung kaya niyo pang tanggapin ang isa’t isa sa buhay niyo.”

Tinanong din namin sina Bea at Angelica kung paano nila ilalarawan ang isa’t isa bilang isang kaibigan.

Very evident naman kasi ngayon kung gaano sila ka-close.

“Grabe ‘to, ipaglalaban ka niyan,” sabi ni Bea.

“Intense ‘yan bilang kaibigan at hindi lang siya friend sa surface, lumalalim talaga siya. May mga bagay na naalala niya na kahit ako, hindi ko naaalala sa sarili ko.

“She’s very sweet, she’s very thoughtful and ‘yun na nga, parang ituturing ka niyang pamilya at mararamdaman mo talaga.”

Sabi naman ni Angelica, “Si Bea kasi, maalaga.

“Sa aming dalawa kasi, parang ako ‘yung mas impulsive mag-decide, impulsive magsalita. Hindi ako nag-iisip kapag nagsasalita ako. Siya ang parang aangklahan mo kapag nangyari sa ‘yo na ma-out-of-words ka, kapag hindi mo na alam ang gagawin mo.

“Kapag naligaw ka ng landas, smart siya na tao kaya alam niya kung ano ang dapat gawin. Noong dumating siya sa buhay ko, parang may life na ulit. Parang gusto mong maging mabuting tao kasi, may tatalak sa ‘yo.”

Richard supladito ang dating

Ang “Unbreakable” ay under Star Cinema na ipalalabas sa mga sinehan simula sa November 20 at sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar. Nilarawan nga nina Bea at Angelica ang mga karakter nila.

“Ako po si Deena sa pelikula. Si Deena, dependent siyang tao. Gusto niya, may palagi siyang tao sa tabi niya. Palagi siyang naghahanap ng love sa ibang tao. People pleaser siya. Thinking na makukuha niya ang mga magulang na mamahalin siya at iwe-welcome siya sa pamilya o sa grupo,” paglalarawan ni Angelica sa kanyang character.

Sabi naman ni Bea, “Ako naman po rito si Mariel. I’m the best friend of Deena. Asawa ko si Justin (Richard Gutierrez) and we will see her grow from realistic woman, she’s a go-getter, fixer to a woman with a lot of difficulties ng buhay at makikita natin kung hanggang saan niya ba kayang tanggapin ang lahat ng klase ng buhay.”

Parehong ngayon lang nakapareha nina Bea at Angelica si Richard.

Kumusta ang experience na makatrabaho ito?

“Exciting,” sabi agad ni Angelica.

“Kasi before, parang ini-imagine ko pa lang, makakatrabaho ko kaya siya? Pinapanood ko lang siya dati sa sinehan, e. Kinuwento ko nga sa kanya.

“So, parang inisip mo rin na isa siya sa gusto mong makatrabaho talaga na inakala kong imposible and nangyari siya. Nakakatuwa.”

Dugtong pa ni Angelica, “Mabait pala si Richard. Akala ko dati, sobrang snobbish. Sobrang tahimik tapos, sobra niyang hilig makipagkuwentuhan. Hindi ko inakala at good listener siya.”

Popoy-Basha vs Angel-Richard inalala

Sang-ayon din si Bea sa sinabi ni Angelica patungkol sa leading man nila. Naalala pa nito na dati, bilang nasa rival networks sila, magkasabay pa raw ang tambalan nila ni John Lloyd Cruz (Popoy at Basha) at sina Richard at Angel Locsin naman.

“Halos sabay dati sa channel 2 at channel 7 kaya naisip ko, siguro hindi ko na ‘to makakatrabaho. Pero dumating din ang oras na magka-trabaho kami and noong umpisa, tama ang sinabi niya na baka suplado, very refined. Pero hindi, may humor rin siya na nakakatawa.

“At saka, grabe ang humor niya,” sabi ni Bea at saka sila nagtawanan talaga ni Angelica.

Dugtong pa ni Bea, “Napaka-suwerte ko kasi hindi lang ‘to ang pagsasamahan namin. May ginagawa pa kaming teleserye under Star Creatives.

“So, maganda rin sa pakiramdam ko na kasundo ko ang katrabaho ko.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More