Una sa Balita

Angelica ayaw pa ring makita, makausap sina John Lloyd, Derek

By
0 989

May naka-chikahan ako na very close kay Angelica Panganiban. Siyempre, masaya siya na nagkasama muli ang kanyang kaibigan at ang ex-boyfriend nitong si Carlo Aquino sa pelikulang Exes Baggage na kumita sa takilya.

Mga bata pa naman daw sina Angelica at Carlo noong naging mag-dyowa sila at nagkahiwalay. At in fairness, maayos naman daw naghiwalay ang dalawa noon, kaya waley naman daw naging problema sa aktres na gumawa ng pelikula kasama ang aktor.

Sa tingin ng malapit na kaibigan ng Playhouse lead star, mukhang ang malabong tanguan ni Angelica na ex-boyfriend niya rin na maka­tambal in a film ay sina Derek Ramsey at John Lloyd Cruz, kahit na mukhang okey naman ang mga nasabi niya tungkol kay Lloydie sa huling guesting niya sa Gandang Gabi Vice.

Pero malay natin mag-iba pa ang ihip ng hangin para kay Angelica! Pero sa ngayon, ayaw pa raw talaga nitong makasama sina John Lloyd at Derek.

Anyway, pansamantala, ipaubaya na lang muna natin si Angelica kay Zanjoe Marudo sa teleseryeng Playhouse, kahit sa TV man lang, since bagay naman din sila.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy