Una sa Balita

Angelica ayaw makasama sa impiyerno sina Carlo, John Lloyd, Derek

0 650

Nagpa- “Ask Me Question” si Angelica Panganiban sa kanyang Twitter account habang naka- enhanced home quarantine at sey nito, 21 days daw ang kanyang quarantine at sa Friday na ito matatapos.

May planong lumabas si Angelica dahil nag-aayos daw sila ng mga relief goods na ipamimigay kasama ang ilang kaibigan.

Maganda naman ang sinagot nito tungkol sa mga naging ex-boyfriend niya tulad nina John Lloyd Cruz, Derek Ramsay at Carlo Aquino. Na kung sakali raw at sa impyerno siya mapupunta, sino ang isasama niya.

Sinagot ito ni Angelica nang, “Wala. Ayokong may kalabasan na hindi maganda sa mga buhay nila. I wish them happiness.”

Pero tinuldukan na nito na may chance pang magkasama silang muli ni Carlo sa isang proyekto. Sabi niya, “Hindi na. I wish him well. Pero hindi na.”

At sinabi rin niyang “Hahahayst. Medyo imposible” na nang may magtanong for a G-Mik reunion.

At sa kabila ng mga pinagdaanan sa kanyang mga past lovelife, nang tanungin ito kung ready na ba ang puso niya na magmahal muli, sey niya, “Matagal ng ready.” (Rose Garcia)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More