Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Angeli napilitang ibenta ang katawan

0 228

Ang maghubo’t hubad pa rin ang pinakamahirap gawin sa harap ng kamera. Ayon `yan sa hubaderang si Angeli Khang, na bida ngayon sa seryeng ‘Wag Mong Agawin Ang Akin’.

Gaganap nga si Angeli bilang si Jasmine, na sa murang edad ay napilitang ibenta ang katawan para mabuhay.

“The hardest part for me, until now, hindi pa rin normal sa akin, every time na naghuhubad ako. It’s never easy to just show your body, just like that. For me, lahat ng scene dito, sa bawat project na ginagawa ko, acting, sa iba-ibang story ako napupunta, kaya kailangan kong suriin lahat, dapat iba rin ang voice ko rito. So, mahirap talaga,” sabi ni Angeli.

Puring-puri ni Direk McArthur Alejandre ang acting ni Angeli.

Pero, ano ba ang malalang pinaghugutan ni Angeli para magawa ang mahihirap na eksena?

“Pinakana-feel ko na scene ay ‘yung magpapakamatay ba ako sa series na ito? I know lahat tayo may problema, I hope hindi lahat ng tao makakaranas ng ganun. For me, bumalik ako sa times na give up na ako, dahil sa personal experience ko, problema sa family.

“Kaya pagpasok ko pa lang sa set, alam ko na ang scene ko, ramdam na ramdam ko ang panginginig na any time kaya kong i-all out, iiyak lahat. At sabi ni Direk Mac, ‘tama ‘yan anak, gawin mo lang, all out mo lang, use it as a weapon para mas gumaling ka’,” kuwento ni Angeli.

Hindi ba siya nakaramdam na parang ‘napagsamantalahan’ siya sa taping nila?

“Wala namang nagti-take advantage. Sa set kasi, nagbubulungan, nagkukulitan kami. Nag-uusap naman kami kung ano lang ang dapat hawakan. Wala namang nag-take advantage sa akin,” saad niya.

Sey pa ni Direk, malaki ang future ni Angeli sa showbiz, na kung ano ang mga narating ng mga artistang dinirek niya noon tulad nina Angel Locsin, Marian Rivera, at marami pang iba, ganun din ang puwedeng marating ni Angeli. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.