Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Angeli Khang sagad sa romansa kina Jay, Sean

0 407

Ang bongga nitong si Angeli Khang, ha! Imagine, second movie pa lang niya (‘Taya’ ang unang pelikula niya), bida na agad siya, ha!

Yes, bidang-bida si Angeli sa pelikulang ‘Mahjong Nights’ na dinirek ni Law Fajardo, at ipalalabas sa Vivamax.

Winner nga siya, dahil sagad agad siya sa romansa, at dalawang lalake agad ang nagpakasasa sa kanyang alindog. Una nga ang beterano na sa romansahan na si Jay Manalo at ang baguhang hubadero na si Sean de Guzman.

Sabi ni Angeli, hindi naman daw siya nahirapan sa mga romansahan nila nina Jay at Sean, dahil tinuro naman daw ni Direk Law sa kanya ang lahat ng dapat gawin.

“At mahusay, mabait din kasi sina Jay at Sean, kaya naging madali. Sila ang nagdala sa intimate scenes namin,” sabi ni Angeli.

Anyway, wala ngang kaarte-arte itong si Angeli, na nagsabing gagawin nga raw niya ang lahat ng kailangan para makamit ang inaasam na kasikatan, tagumpay.

At `yun nga ang ginawa niya sa ‘Mahjong Nights’ na hubad kung hubad, romansa kung romansa, pero acting kung acting din dapat.

“Napaka-lucky ko po, na second movie ko pa lang, lead star na agad ako. Kaya pinagbuti ko po talaga. Kung ano ang inutos ni Direk, ginawa ko po,” sabi ni Angeli.

Anyway, in na in nga ang itsura ni Angeli ngayon, na may dugong Korean, kaya hatak talaga niya ang mga boylet na nagpapantasya sa mga K-drama actress, o mga K-pop member. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.