Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Angeli Khang inosenteng pokpok

0 185

Sobrang bilib na bilib si Direk Mac Alejandre kay Angeli Khang, nan aging artista niya sa ‘Silip sa Apoy’ at artista niya ulit ngayon sa ‘Wag Agawin Ang Akin’.

Para kay Direk Mac, magiging future best actress nga si Angeli, na parang si Jaclyn Jose, na bagamat naglantad ng alindog, sa huli, mas napansin ng madla, kritiko ang pagiging mahusay na artista.

Gustong-gusto nga ni Direk Mac ang ‘innocence’ ni Angeli. Ang sarap nga raw paglaruan ng isang artistang punong-puno ng misteryo, sa itsura pa lang, at sa personalidad.

“Mark my word, magiging best actress si Angeli. Nakikita ko `yan sa kanya!” sabi ni Direk Mac.

Sabi ni Angeli, walang hanggang pag-aaral ang gusto niyang gawin. Na lahat ng kailangan niyang malaman ay inaalam talaga niya sa direktor.

Anyway, gaganap nga si Angeli bilang isang estudyante sa umaga, at nagbebenta ng aliw o pokpok sa gabi.

Bagay na bagay nga kay Angeli ang role, dahil kung titingnan mo siya, para siyang isang teenager na walang muwang sa mundo, lalo na kapag sinuutan mo pa ng school uniform.

Pero, kapag hinubaran mo na, pinag-emote mo na, lalabas ang sex appeal na kinababaliwan ng mga kalalakihan. At siyempre, malaking factor din ang magandang hubog ng katawan ni Angeli, na walang tapon talaga, dahil sariwang-sariwa.

Kasama rin sa ‘Wag Agawin Ang Akin’ sina Jamila Obispo, Felix Roco, Yayo Aguila, Arron Villaflor, Josef Elizalde, Angelica Servantes. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.