Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Angel wagi ng ‘Heroic Creator Award’

0 221

Sunod-sunod ang pagtanggap ng award ni Angel Locsin. Matapos nga siyang parangalan ng Paragala Central Luzon Awards ng dalawang karangalan, heto at may bago na naman siyang tropeo.

Iginawag nga kay Angel ang ‘Heroic Creator of the Year Award’ dahil sa paggamit niya ng impluwensiya niya para makapag-promote ng social awareness and to pay it forward.

“Congratulations @therealangellocsin for being this year’s recipient of the Heroic Creator of the Year Award from the Creator and Influencer Council of the Philippines. Bless your generous heart!” ang pagbabalita ng @costartalent.ph., ang management company Angel.

Siyempre, nagpasalamat si Angel sa pamamagitan ng video sa Instagram.

“Nais ko pong i-offer ito sa lahat ng mga kababayan natin, at hangad kop o na maging maganda an gang mundo ng kapwa nila,” sabi ni Angel. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.