Una sa Balita

Angel umeksena sa ‘Kadenang Ginto’

0 508

Super kuwela at trending sa social media ang isang eksena sa pang-hapong teleserye ng Kapamilya network na “Kadenang Ginto” kung saan hindi inaasahan ang pag-appear dito ni Angel Locsin.

Sa mga video clip na lumabas, makikita si Angel in character as Rhian sa “The General’s Daughter”. Hospital scene, at habang papasok ang doktora sa kuwarto ay nakasunod sa kanya si Angel, na tila ba nagulat, nalito o naligaw ng papasukan. Kita rin sa eksena si Beauty Gonzales.

Sina Angel at Dimples Romana aka Daniela Mondragon ay mag-BFF sa totoong buhay. Kamakailan ay naikuwento ni Angel na binisita nga niya ang kaibigang aktres sa taping ng KG.

Matamis na halakhak naman ang tweet ni Angel tungkol sa trending cameo role niya sa naturang tele­serye.

Sobrang ikina-laugh trip naman ito ng mga netizens at bumilib rin sila sa husay ng aktres kahit na more on facial expressions lang naman siya roon sa eksena. Nagkalat na rin ang iba’t ibang meme tungkol dito.

Just recently, nag-cameo role rin sa “Kadenang Ginto” ang mainit na pinag-uusapan ngayon na si Bea Alonzo kung saan ang eksena naman ay nagkabanggaan sila ni Dani Girl, at napasabi na lang ito ng “excuse me?!”

Napapaisip tuloy ang mga fan na posibleng ang ilang mga karakter sa mga different telenovela sa Dos ay magiging extra rin o cameo sa mga susunod na araw. (Jun Lopez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy