Una sa Balita

Angel umaasang maging inspirasyon sa pagtulong sa kapwa

0 403

Real life Darna and at the same time, real life Angel kung tawagin ng mga fan ang aktres na si Angel Locsin.

Kamakailan lang ay kabilang si Angel sa mga kinilalang “Asia’s 2019 Heroes of Philanthropy” ng Forbes Asia, kasama ang second generation tycoon ng SM group na si Hans Sy.

Nang makarating naman kay Angel ang balita ay hindi maitanggi ang pagka-flatter ng aktres. Nag-post na nga siya sa Twitter ng kanyang tugon sa pagkaka-recognize sa kanya ng Forbes.

“I never thought @ForbesAsia would ever mention my name, lol. Thank you! Filipinos have always been known for ‘bayanihan’. I’m nowhere near from being a billionaire, but I try my best to do my part in my own little way. I hope this would inspire other people to help as well,” pahayag ng aktres.

Binigyan ng recognition ng Forbes ang aktres at idinetalye talaga sa kanilang website ang mga mabubuting nagawa ni Angel, gaya ng pagbabahagi ng P1 million donation sa mga naapektuhan ng lindol sa Mindanao nitong taon. Talagang kabilib-bilib ang aktres dahil kung mapapansin, isa siya sa pinaka-batang active sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan. Halos nasa 60 pataas ang edad ng mga nasa listahan ng mga bilyonaryo at businessman na pilantropo na nabanggit sa Forbes, samantalang si Angel ay 34-anyos.

Talagang may busilak na puso para tumulong sa mga less fortunate kaya’t napabilang sa naturang listahan.

(Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More