Una sa Balita

Angel at Toni nabaliw sa nagkalat na ‘ari’ sa harap nila

By
0 4,367

Naging isang ma­laking comedy venue ang stage nang Pilipinas Got Ta­lent 2018 sa unang episode nito dahil sa isang female contestant na 67 years old na. Kasi ba naman, ‘pinaglaruan’ ng hosts na sina Billy Crawford at Toni Gonzaga maging ng jud­ges na sina Robin Padilla, Vice Ganda, Angel Locsin ang kanilang co-judge na si Mr. Freddie M. Garcia.

Binuo nila ang isang ‘loveteam’ onstage nang malaman nilang biyuda si Lola Angelisa from Cebu at kinantiyawang kumapit kay FMG at tanungin kung ‘yes or no’ siya sa kanya.

Sumambulat talaga ang tawanan sa studio lalo na’t game na game naman si FMG.

Siyempre, ‘yes’ ang naging sagot niya kaya pasok sa next round si lola na talaga namang bagets na bagets pa kung makaariba ng modern dance na parang walang pagod o kahit sa balakang, huh!

Very monumental din ito para sa PGT contestant na mga nagwu-work outs dahil sa kanilang kakaibang ta­lent ay binigyan sila ni FMG ng kauna-una­hang Golden Buzzer na ayon din kay ­Robin Padilla ay naunahan lang siya.

Binalot ang stage ng ‘kalaswaan’ dahil sa ipinakita ng isang grupo ng mga kalalakihan na nagsayaw na puting tuwalya lang ang ­nakabalot sa kanila. Ilang beses na may ­nakitaang lumabas ang mga puwet at ‘birdies’ on stage pero siyempre fixilized na ito ipinakita onscreen.

Pero kitang-kita na ilang na ilang sina Angel, pati ang host na si Toni sa nakikita nilang birdies, ha! Na hindi naman puwedeng hindi nila panoorin ang performance ng mga ito, dahil trabaho nila ‘yon.
Abangan ang iba pa sa mga susunod nitong episodes.