Una sa Balita

Angel tinawag na NPA, binantaang papatayin

0 565

Idinaan na lang sa biro ni Angel Locsin ang death threat sa kanya, kasama na sina Kim Chiu at Coco Martin.

Nakasaad kasi sa isang post na magbabayad daw ang isang nagngangalang NJ Abellana ng P200M sa kung sinumang Duterte at GMA supporters ang makakapatay sa mga nabanggit na personalidad.

Kasunod nito ang akusasyon ng isa na kesyo kaanib daw ng NPA si Angel, kaya hindi dapat paniwalaan ang sinasabi nito.

Bagamat tinawag ni Angel ang atensyon ng NBI sa pinoste niyang dalawang pananakot sa kanya, hindi sineryoso ng aktres ang mga ito.

Mababasa sa mga comment ang biruan nila sa isyu. Si Angel mismo ang nagpasamula ng biruan.

“Hello NBI, beke nemen…

“Baka puwedeng makahingi naman ng pang-ayuda kuya,” sabi ni Angel.

Sinabihan niya rin ang kanyang mga supporter na dedmahin ang mga nag-post ng pananakot sa kanya.

“Wag niyong imessage, natawa lang ako,” sey pa niya.

Pati ang kanyang kasintahan ay nakihalo na rin sa biruan.

“NPA ka pala,” sambit ni Neil Arce.

Ilan pa sa mga kasamahan sa showbiz ni Angel ang sumawsaw sa biruan.

@msderossi: “Sinasabi ko na nga ba!”

@divinelee: “@neil_arce say mo. Hahaha”

@neil_arce: “@divinelee cash ba ito?”

Sinusulat ang item na ito ay umabot na sa mahigit sa 4,000 ang mga komento sa post na ‘yon ni Angel.

John minura mga artistang pang-socmed ang pagtulong

Nagpasaring si John Estrada sa ilang mga tao, artista na namamahagi ng tulong sa mga nangangailangan ng may kamera, o pinu-poste sa social media ang kanilang mga ginagawa.

Pinoste ni John ang nakangiting close up shot ng Hollywood actor na si Jim Carrey at sa ilalim ng frame ay ang kasabihan niyang tumutukoy sa mga taong namimigay ng pagkain pero ang kapalit naman nito ay pagkuha ng larawan para iposte sa social media.

“Imagine struggling with being homeless and someone comes with a camera in your face to give you a meal and you have to take it…imagine that feeling. Please, stop doing that. If you go help someone, do it with kindness and not with your ego – Jim Carey.”

Pagpapahaging ito ni John sa mga kapwa artista at ilang netizen na sa paniniwala niya ay ginagamit lang ang mga mahihirap at pamimigay nila ng tulong para bumida sa social media.

Minura pa ng seasoned actor ang mga pinasasaringan sa kanyang caption sa post.

“Dba Jim….kung tutulong ka good..bukal sa kalooban mo…hindi pang social media mo..namo,” sabi pa ni John.

Sinang-ayunan naman ng kanyang mga follower ang post ng aktor.

Tila walang mga artista sa post na ito ni John ang nais magbigay ng kanilang reaksyon.

Halos lahat kasi ng kakilala ni John ay nakabalandra sa kani-kanilang mga social media account ang pamamahagi nila ng mga goods, sandwiches o home cooked meals.

Amy naiyak sa mensahe ng fan

Pansamantalang nahinto sa kanyang pagti-TikTok si Amy Perez. Sinabi ni Amy sa Instagram niya na umiyak siya nang mabasa ang comment ng isa niyang follower.

Nakaposte sa IG ni Amy ang mensahe ng pasasalamat ng isang fan dahil sa Bible verse at inspiring message na pinosts nito sa kanyang wall.

Sabi sa mensahe nagawa niyang makipag-connect ng dalangin sa Diyos dahil sa post nito. At siya naman ay nagdasal para sa Kapamilya artist at sa pagbabalik sa ere ng ABS-CBN.

“I’m crying with gladness in my heart as I read your message to me @tinbarids. Praise God! I pray that you will continue with our savior Lord Jesus Christ. God bless you and your family. Stay safe,” sabi ng aktres.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More