Una sa Balita

Angel tensyonado ang banggaan kina Maricel, Janice

0 831
 
tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloy
 
Umariba na sa social media ang trailer ng pagbabalik ni Angel Locsin sa telebisyon, sa tele­seryeng “The General’s Daughter” na may pa-caption, pa-hashtag pa na “she is back.”
 
Humamig na agad ng libong views at likes ang nasabing trailer, na dapat lang naman dahil sa po­werhouse cast nito na kinabibilangan nina Albert Martinez, Janice de Belen, Eula Valdez, Arjo Atayde, Ryza Cenon, JC de Vera, Paulo Avelino, Ronnie Alonte, Loisa Andallo, Tirso Cruz III at ang Diamond Star na si Maricel Soriano.
 
Sa trailer pa lang mararamdaman na ang tension, lalo at ang huhusay ng mga artistang kasama sa nasabing serye tulad nina Maricel at Janice. Ito ang unang pasabog ng Dreamscape Productions para sa 2019.
 
Sa seryeng ito hahamunin ang kakayahan ni Angel Locsin sa rating at kung na-maintain pa niya ang kanyang kasikatan sa telebisyon.
 
“Blessed to be working with top caliber actors and actresses I highly respect and admire in the industry! Grabe, nakaka-starstruck sila sa husay at pakikisama. Thank you Sir @montie08 @dreamscapepph for makit this possible #TGDSheIsBack,” sabi ni Angel.
 
 
 

Kalandian  ni Martin ipalalabas sa UP

 
Kakaiba ang ginagawang promo ng IdeaFirst production nina Direk Perci Intalan at Jun Lana para sa lalabas nilang bagong movie ngayong 2019, ang ‘Born Beautiful’ na pinagbibidahan ni Martin del Rosario.
 
Magpapa-screening nang libre ang dalawang director sa “uncut” version ng kanilang pelikula ngayong January, na gagawin sa Cine Adarna sa UP Diliman. Hindi pa man kumikita ang pelikula, nagbigay agad ng libreng showing  ang produksyon para sa lahat.
 
First come-first serve ang rule ng free screening at kinakailangang magpa-reserve na ang nagnanais na makapanood ng movie. Ang free viewing ay naglalaman ng mga eksenang hindi mapapanood sa mga regular run theater sa buong bansa.
 
Ibig sabihin, naglalaman ito ng mga eksenang hindi inaprubahan ng MTRCB dahil sa medyo mahalay na sangkap na hindi angkop for commercial exhibition. Ipinoste ni Direk Perci sa kanyang Instag­ram wall ang panawagan, kaya naman dinagsa agad ng mga film enthusiast ang kanyang post.
 
Asahang mas magi-enjoy at masa-shock sa mga eksena sa pelikulang ito. Pero siguradong strong contender sa pagiging best actor niya si Martin dahil sa project na ito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy