Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Angel tatanggap ng ‘FPJ Memorial’: Pokwang wagi ng ‘Dolphy King of Comedy Award’

0 331

Ang bongga ni Pokwang, ha!

Well, siya nga kasi ang napiling bigyan ng FAMAS ng parangal na Dolphy King of Comedy Award.

Na dapat lang naman, dahil si Pokwang, parang si Dolphy, na halos lahat ay kayang gawin. Mahusay magpatawa, pero super galing ding magpaiyak.

Pero dahil pandemic ngayon, at hindi pa rin keri ang face to face na event, o mass gathering, kaya virtual muna ang magaganap na pagbibigay parangal.

Ang kailangan lang gawin ng mga tatanggap ng parangal ay magpadala ng video message o acceptance speech (sa Dec. 15 ang deadline) sa pamunuan ng FAMAS.

“Napakaagang blessing mula sa FAMAS. Maraming salamat po lalo na sa Quizon family… Thank you po at mabuhay kayong lahat. God bless,” sabi ni Pokwang.

Anyway, bukod kay Pokwang, pararangalan din ng FAMAS sina Angel Locsin (Fernando Poe, Jr Memorial Award), Liza Soberano at Matteo Guidicelli (German Moreno Youth Achievement Award).

Si Boy Abunda naman ang napiling bigyan ng Dr. Jose Vera Perez Award.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Paulo nagpasilip ng nota sa fan

Siguradong isa sa mga pag-uusapan sa pelikulang Fan Girl ang frontal nudity ni Paulo Avelino. Sa media conference ng Fan Girl, inusisa nga si Paulo tungkol sa eksenang `yon at may kaakibat ngang tawa ang sagot niya.

Tinanong si Paulo kung bakit kinailangan sa Fan Girl ang magpakita siya ng nota?

“Hindi naman talaga kailangan. Pero kung mapapanood niyo ang eksena, mas mai-enhance ang mga nangyayari. Mas umaangat ang mas gustong ibigay ng eksena. Feeling ko nag-work naman,” sagot ni Paulo. “Pero, baka gusto lang makita ni Direk Tonet (Antoinette Jadaone) `yung ano… Hahaha!” natatawang hirit pa ni Paulo.

“Pero puro babae naman ang nasa set namin. So, wala silang pakialam. Hindi ko alam kung bakit. Very professional naman sila,” chika pa ni Paulo.

So, hindi nahirapan si Direk Tonet na hubaran si Paulo?

“Hindi ako nahirapan! Nandun sa script `yon. Lahat ng nasa pelikula, nasa script siya. Wala akong kinunan na wala sa script. So, noong tinanggap ni Pau ang role, tinanggap niya na may frontal nudity,” sabi ni Direk Tonet.

Well, bukod kay Paulo, dapat ding abangan ang mga eksena ng bidang babae na si Charlie Dizon. Ito nga ang unang pagkakataon na magbida siya, at bongga ang karanasan niya sa mga kamay nina Paulo at Direk Tonet.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.