Una sa Balita

Angel nilait sa katabaan

0 791

Ni: Glenn Regondola

Katulad ng ibang celebrity, hindi rin nakaligtas si Angel Locsin sa body shaming.

May mga basher siya ngayon dahil ayon sa iba, natatabaan sila kay Angel habang nanonood sila ng “The Gene­ral’s Daughter” kahit ang ganda-ganda pa rin nito.

Nakarating na rin sa kanya ang tsikang ito, kaya hindi rin niya naiwasang magbigay ng kanyang opinyon at ipagtanggol ang kanyang sarili.

Ayon nga sa kanya, naaawa siya roon sa mga basher kasi anong klase raw silang tao para magawa ng mga ito ang body shaming. Perfect daw ba ang mga ito?
Pero, ayaw na rin niyang patulan ang sinuman na nang-iinsulto sa kanyang physique.

Ayaw nga raw niyang makipag-deal sa mga ganitong tao dahil pakiramdam niya ay mga malungkot itong tao. Walang magawa sa buhay kaya napapansin ang kung sino-sino.

Sabi pa niya, katawan niya ito at kung may problema, siya dapat ang unang maaapektuhan. Ipinagtataka rin niya kung bakit nagiging isyu ito sa kanya samantalang siya na may katawan ay okey lang siya.

Pero, para naman sa iba, out of concern daw ito sa kanilang mga celebrity dahil iniidolo nga sila ng marami. Para silang semi-gods na kaila­ngan ay perpekto sa lahat ng anggulo.

Anyway, ang importante ay marami ang pumupuri sa kanyang pag-comeback dahil ang husay pa rin niyang artista.

At least, kung mauso ulit ang ac­ting shaming, hindi siya mapapabilang dito, noh!

Korek!

Mga papatol sa ‘The Boyet Challenge’ parurusahan

Nakiusap pala ang Autism Society Philippines na tigilan at huwag suportahan ang “The Boyet Challenge” na nagiging viral ngayon sa social media.
Ang challenge na ito ay tungkol sa paggaya ng acting ng Kapuso actor na si Ken Chan sa karakter na kasalukuyan niyang ginagampanan sa seryeng “My Special Tatay.”

Si Ken kasi dito ay mayroong mild intellectual disability and mild Autism Spectrum disorder.

Sa galing ni Ken sa pag-portray sa nasabing role, marami ang na-encourage na gayahin ang kanyang pagsasalita at pag-arte ng isang taong mayroong ganu’ng disorder.

Pero ‘yun nga, sa manner ng ibang tao sa panggagaya o pagtanggap sa challenge, nalalagay sa alanganin ang mga taong may ganito, kaya gumawa ng aksiyon ang organisasyong nakakasakop sa kanila.

Sa official statement nga ng Autism Society Philippines, kinokondena nila ang challenge na ito dahil lumalabas na katawa-tawa ang mga autistic na tao at may intellectual disabilities.

Habang sini-celebrate nga nila ang National Autism Cons­ciousness Week, ipinaalala nila sa publiko ang Republic Act 9442 na nagpoprotekta sa mga taong may ganito mula sa pag-ridicule at vilification at may katapat na parusa o fine ang sinumang mahuhuling gumagawa nito.

Pero, aware naman daw ang grupong ito na hindi nagsimula sa Kapuso show ang challenge na ito. ‘Yun ang malinaw.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy