Una sa Balita

Angel, Neil pinag-uusapan na ang kasal

By
0 896
 
 
Sa guesting ni Angel Locsin sa “Tonight with Boy Abunda” ay napag-usapan ang timbang ng bida sa The General’s­ Daughter. Pinapansin nga ng mga basher ang katabaan daw ni Angel ngayon.

 

“Maaawa ka na lang doon sa tao. Anong klaseng person ka para magawa mo ‘yun?” ang reaksiyon ni Angel.
“Kailangan mo na lang isipin na may mga bagay kasing hindi mo dapat ginagawa sa kapwa mo. Katawan ko ‘to, ako ‘to, sarili ko ‘to.”

 

 

Natanong din kung malapit na nga bang magpakasal si Angel sa boyfriend niyang si Neil Arce.

 

 

“He is my happiness. He is my partner in crime. Napag-uusapan, pero hindi ‘yung definite na ganon. Sabi ko rin kasi ayaw ko nung naniniguro na after ng ganito, dapat… ayoko na ng mga ganon,” kuwento ni Angel.

 

 

“Kapag sumugal naman ako sa tao, I don’t waste my time. May tendency rin ako (isipin) na ito na ‘yung man I’m gonna marry lagi. Kapag karelasyon kita, may possibility talaga na pwede na tayo mag-end up together,” dagdag pa niya.

 

 

Maganda ang pasok ng taon kay Angel at mukhang mamumukadkad pa ito lalo na at patok ang bago niyang serye. Angel is back nga talaga! 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy