Una sa Balita

Angel nawalan ng tiwala sa sarili

0 752

abante-paistaran-dondon-serminoHindi itinaggi ni Angel Locsin na dumaan siya sa maraming pagsubok pagdating sa career. Nawalan ng ganang magtrabaho at pakiramdam niya ay wala na rin siyang silbi sa showbiz.

Feeling din niya nung mga oras na ‘yon, malaking disappointment siya sa mga tao sa paligid niya. Na ang dapat na gagawin niya, na ang iinaasahan sa kanya ng mga tao, ay hindi niya maibigay.

“Ang daming point sa buhay ko na down talaga ako, na disappointed ako sa sarili ko. May mga time na akala mo okey ka lang, pero hindi ka pala okey, at in denial ka lang talaga,” bungad na kuwento ni Angel sa solo presscon sa kanya ng ABS-CBN 2 para sa latest teleserye niya, ang “The General’s Daughter.”

Ang mga taong muling nagtiwala, o hindi naman talaga tuluyang nawalan ng tiwala sa kanya, ang na­ging dahilan din para buma­ngon si Angel. Sila nga raw ang pinaghugutan niya ng lakas.

“Humugot ako ng lakas sa bawat taong nagpakita sa akin ng malasakit. Si­yempre sa Dreamscape, sa mga boss ko sa ABS-CBN, tinanong nila ako kung ano ang gusto ko, mga nagtiwala sa akin.

“So doon ko rin naisip, na kahit parang ayaw mo na pala, na hindi ka na naniniwala sa sarili mo, pero may mga tao pa rin na niniwala sa iyo, na nakasuporta lang sa iyo, na hindi ka iniiwan, doon talagang mabubuhayan ka ng loob.
“Dahil sa kanila nandito ako ulit ngayon. Dahil sa mga tao na pa­tuloy na sumusuporta sa akin. Pati sa inyo na naniniwala sa akin. Feeling ko utang na loob ko talaga ito ngayon sa kanilang lahat, sa inyong lahat,” saad pa ni Angel.

Marami nga ang nagulat na dumaan pala si Angel sa ganung sitwasyon. Ang akala nga ng lahat ay okey na okey lang ang aktres.

“Wala kasing nagtatanong sa akin about that, pero dumating ako sa point na ganun, na down talaga ako.”

Kaya sobrang tuwa raw niya na sa “The General’s Daughter,” talagang itinodo na ang malasakit, suporta sa kanya. Imagine, para pagsama-samahin nga raw ang mga malalaking artista sa teleseryeng ito, sino pa ba ang hindi gaganahan na magtrabaho.

“Sobrang pasasalamat talaga, na ang mga iniidolo ko na mga artista, pinagsama-sama, at hindi ko akalain na sabay-sabay pa sila, na nakikita ko sila everyday sa set.

“Sabi ko nga, wow, nakakatrabaho ko ngayon si Amor Powers (Eula Valdez). Nu’ng high school ako ginagaya ko lang siya. Tapos ngayon katabi ko na siya.

“Nakikita ko kung ano siya in person. Nagugulat ako na sobrang cool lang niya, sobrang trooper niya. Na ang galing-galing niyang artista, at down to earth pa, at sobrang professional.

“Ganun din si Ate Marya (Maricel Soriano), na sino mag-aakala na makakatrabaho ko siya. Ang galing niya at isa siya sa dapat abangan dito.

“Ganun din si Tito Pip (Tirso Cruz III) na nu’ng time na may pinagdadaanan siya sa family niya, walang nakakaalam sa amin. Hanggang sa nawala na nga ang anak niya. Hindi siya umaalis sa set, kahit nakikita ko lang siyang umiiyak siya sa isang sulok, pinapauwe namin siya, pero sinasabi niya na wala naman ka­yong kinalaman dito, kaya ayaw niya ka­ming idamay. Talagang mamahalin mo si Tito Pip.

“Sila ang inspirasyon ko. Hindi naman nawala ang passion ko, ang pagmamhal ko sa trabaho. Ang nawala ay ang tiwala ko sa sarili ko. Na ang feeling ko big disappointment ako sa kanila, na hindi ko nagawa ang gusto nila.

“Pero ngayon nga, ang sarap ng pakiramdam, na parang nagsisimula ulit ako.

“Siguro nawala rin ang excitement ko before, pero nga­yon para akong bata na excited akong magtrabaho ulit,” kuwento pa ni Angel.

Anyway, sa Jan. 21 na nga mapapanood sa primetime ang “The Ge­neral’s Daughter” at asahan na nga raw ang mas matapang at mapa­ngahas na Angel sa bagong serye dahil muli niyang ipapakita ang husay niya pagdating sa action-drama sa maaaksyong fight scenes.

Makikipagsabayan din siya sa mga beternanong aktor gaya nina Maricel Soriano, Tirso Cruz III, at Albert Martinez na muling magpapamalas naman sa husay nila sa pag-arte.

Ang “The General’s Daughter” ay sa ilalim ng direksyon ni Manny Palo at Mervyn Brondial.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy