Una sa Balita

Angel nakiusap na wag pagsabungin ang mga LGUs, private sector

0 590

Kasabay ng pagpapasalamat ni Angel Locsin sa mga government official nanawagan din siya sa madlang pipol na tigilan na ang pagkukumpara sa mga tulong ng mga private sector sa mga LGUs, o opisyal ng gobyerno.

“In times like these. Let’s stop comparing help from regular citizens and government. To be honest, based on my experience, it would be very hard to help without the assistance of government. So, we thank you to our local officials for assisting us and risking their lives as well,” sabi ni Angel.

Isa si Angel sa mga artistang nanganguna sa pagdamay sa mga pangangailangan ng mga medical frontliner. Ang kontribusyon ni Angel bukod sa mga PPEs o Personal Protective Equipment, namahagi rin siya ng mga folding bed, nagtayo ng tent sa tabi ng mga hospital, at kung ano-ano pa. (Rey Pumaloy)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More