Una sa Balita

Angel nakipagtalakan dahil sa ABS-CBN Ball

0 444

Sino ang mas triggered? Ang basher o si Angel Locsin?

Sa kabila ng maraming papuri na natanggap ng “The General’s Daughter” lead star dahil sa rektang pagdo-donate nito sa Bantay Bata 163 imbes na dumalo sa ABS-CBN Ball, hindi pa rin nawala ang mga natatanggap nitong pambabatikos.

“Yan sinasabi ko @143redangel. Pwede ka magsuot ng old gown at um-attend ng ball at saka ka mag-donate. Parang pinapalabas mo na ‘wag na magkaron ng ball ang ABS-CBN at gayahin na lang ang ginawa mo. Wow! Feeling mo, ha? Mag-gown ka nga at ipakita mo sa amin na deserve mo suot mo,” sabi ng basher kay Angel.

Tila hindi nakapagpigil, sinupalpal ng aktres ang naturang basher sa reply na: “Marunong ka pa sa invited.”

Hindi pa rin nagpaawat ang basher, sumagot pa rin na hindi maitago ang gigil sa aktres.

“Hahahaha. Affected? Ang dami mo pa kasi daldal e. Kung di ka aattend, quiet ka na lang. Me nalalaman ka pa na DONATE derecho. PASIKAT??” dagdag pa ng basher.

Lalong hindi nagpatalo ang aktres, sinagot parin ang basher.

“Mag-donate ka para ‘di ka triggered ng guilt momshie!” sey pa ulit ni Angel. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy