Una sa Balita

Angel nairita sa balitang live in na sila ni Neil

0 1,090

Binulabog ni Angel Locsin ang isang tabloid dahil sa lumabas na artikulo. Ang panawagan ng aktres ay idinaan niya sa twitter, na sinabi nga niyang naloka siya sa headline ng naturang pahayagan tungkol sa kanya.

“Kaloka yung headline nyo!” sabi ni Angel sa Bandera.

Tumugon naman sa tweet ang naturang tabloid.

“Ay, sorry naman Miss Angel kung naloka ka. Pero ano ba ang real score? @143redangel,” sagot nito kay Angel.

“Di ba kayo nagre-research? Ikakasal kami. Magkapitbahay. Magkatabi yung building sa iisang residential condo. Hindi ba binasa ng editor nyo yung sinulat bago magisip ng headline?” saad pa ni Angel.

Ang tinutukoy na headline ni Angel ay ang tanong kung nagsasama na ba sila ng dyowa niyang si Neil Arce sa iisang bubong.

“Magka-live in na ba sina Angel Locsin at Neil Arce?”

Ito ang rason ng pag-alma ng aktres. Wala nang sumunod pang comment ang aktres matapos nitong kuwestyunin ang nasabing tabloid.

Pero nagdulot ito ng sari-saring komento sa mga netizen.

Heart inaabuso ng mga fan

Binalaan na si Heart Evangelista ng kanyang mga supporter dahil sa pagiging mapagbigay niya sa lahat ng mga humihingi ng tulong sa kanya sa social media.

Panay ang pagta-tag sa pangalan ni Heart sa Twitter ng mga nagpapakilalang mga kapus-palad kalakip ang larawan ng mga hinihingian nila ng donasyon.

Hindi naman humihindi ang aktres sa request at laging nagri-reply ito ng “DM” o “direct message” sa tweet.

Madalas si Heart pa ang nakikiusap sa nanghihingi ng tulong kung nadi-delay ang pagbibigay niya ng tulong.

Gaya na lamang ng isang nag-message kay Heart na may twitter account na Officially Mrs. Mendoza. Nanghihingi ito ng tulong para sa isang bata na may bara at butas ang puso.

Sumagot naman si Heart na nasa himig ng paga-alala at paumanhin.

@heart021485, “Guys sorry pls give me time down ang online transfer.”

Palaging pera ang hinihingi ng mga nagmi-message kay Heart, kaya naman naga-alala na ang kanyang mga fans na posibleng napagsasamantalahan na ang kabutihan ng kanilang idol.

@bjvaleza, “wag masyado mag twala sa iba heart!! Ung iba modus lang..masyado tini-take advantage ang nangyayare ngayon..GBU!! salamat sa tulong mo sa iba.”

May point!

Jason Abalos nawalan ng kaibigang doktor dahil sa virus

Nagluluksa si Jason Abalos para sa isang kaibigang doktor na pumanaw dahil sa COVID-19. Pinost ni Jason sa Instagram ang ilang larawan nilang dalawa ng kaibigang doktor na si Jun o Dr. Leandro Resureccion III.

Sa mensahe ni Jason, ikinuwento ni Jason ang pagkakaibigan nila ng doktor na kapitbahay raw niya, at pareho silang mahilig sa motor.

Madalas na nag-uusap sina Jason at Jun tungkol sa passion nila sa motor, at minsan ay bumubusina pa ito sa kanilang bahay kapag napapadaan ito.

Si Doc Jun ang nag-refer kay Jason sa isang testing center para sa COVID-19, na hindi naman nya pinuntahan dahil nag-self quarantine na lamang sya.

March 16 nang mabalitaan ni Jason na na-intubate na ang kaibigan dahil nahawahan ito ng virus. Kinundisyon ni Jason ang utak nyang malalabanan ng kaibigang doktor ang virus, pero hindi ito nagtagumpay at pumanaw ito kamakailan lang.

Sa kanyang mensahe, nanawagan si Jason sa taong bayan na manatili sa bahay para hindi na mabawasan pa ang bilang mga frontliner na nasasawi dahil sa COVID19.

Zoren Legaspi idinispley ang ‘patola’ sa IG

Sa gitna ng pandemic at mga samut-saring fake news na kumakalat sa social media, naghasik naman ng malisya si Zoren Legaspi sa kanyang Instagram.

Pinagdiskitahan ng kanyang mga follower ang nakabakat na talong ng aktor sa photo posting nito sa loob ng kanyang bahay. Makikita sa post na naka-spandex cycling outfit si Zoren na tila galing sa kanyang cycling routine.

Nakaharap si Zoren sa liwanag habang naka-semi-sided naman ang pagkaka-anggulo ng kanyang katawan. Sa tama ng liwanag sa katawan ng aktor, malinaw ang pagkakabakat ng kanyang sandata sa suot nitong hapit sa katawang sports outfit.

Hubog na hubog ang malaking patola ng aktor na syang nagpatakam sa kanyang mga follower. Kinikilig na animo’y kinikiliti ang kalamnan ng mga babae at bakla sa nakatambad na nota ng aktor.

Walang duda na may maipagmamalaki ang batuta ni Zoren, dahil hindi pa man ito matigas pero tirik na tirik na ang pagkakatayo ng manoy nito.

Mukhang sinadya ni Zoren na iposte ang larawan kahit alam nyang nakabalandra ang kanyang dragon, para marahil tuksuhin ang mga naglalaway sa kanyang kakisigan at kamachuhan.

Hindi ito ang miminsang nagpatakam ang aktor suot ang cycling gear. Bago pa man ang lockdown nagposte na rin ito ng kanyang photo sa tulay sa may floodway na nakabalatay rin sa kanyang cycling shorts ang bakat ng kanyang junior.

Dawn Chang imbiyerna sa booking agency

Buwisit na buwisit ang Kapamilya sexy artist sa isang booking agency nang tanggihan nito ang request niyang refund sa cancellation ng mga flights dahil sa COVID-19.

Pinoste ni Dawn Chang ang mensahe ng Flyscoot na nagsasabing hindi nila mapagbibigyan ang aktres ng “full refund in cash”, na pareho rin nilang advice sa ibang mga pasaherong affected ng krisis.

Inilabas ni Dawn ang sama ng loob niya sa travel agency lalo’t sinabihan niyang puwede niyang mare-schedule ang kanyang flight booking sa loob ng labingdalawang buwan o isang taon.

Sey ni Dawn, hindi niya alam kung kailan tatagal ang pandemic at ang advisory para sa mga flying travellers sa iba’t ibang bansa.

Nag-emote si Dawn na sa panahong ito ng pandemic, kailangan nya ang refund para sa kanyang ikabubuhay, lalo’t isa sya sa mga nawalan ng trabaho dahil sa lockdown.

Nanganganib na mawala na parang bula ang naibayad ni Dawn sa booking agency dahil sa advice nitong pag hindi nya nagamit ang flight nya ay mapu-forfeit ang kanyang pera.

KC Concepcion nagpakain ng adobo sa 200 frontliner

Nagpa-fiesta ng adobo si KC Concepcion sa maraming frontliner sa isang ospital sa QC. na dinalhan niya ng pagkain. Hindi nagpahuli ang dalaga ni Sharon Cuneta sa mga kapwa nya celebrity na magbahagi ng tulong sa mga frontliner.

Tinatayang nasa 200 adobo food pack ang inorder ni KC sa isang catering services para sa Veterans Memorial Center sa QC. Hindi rin napirmi sa bahay si KC at personal nyang ipinamigay ang mga food pack.

Kris tumutulong kahit may sakit

Sa halip sa kanyang kuwarto sa second floor, sa sala natulog si Kris Aquino sa pangambang baka madisgrasya pa sya kapag pinilit nyang umakyat sa hagdan patungo sa kanyang silid.

Kasalukuyang inaatake pa rin ng kanyang allergy si Kris habang nasa isang resort sa Puerto Galera. Ayon kay Kris, ipinalinis na lang ng kanyang mga kasamahan ang sala o first floor ng villa na tinutuluyan nilang magi-ina para hindi na sya umakyat pa sa second floor.

Nanganganib na ba maaksidente pa sa kanyang pag-akyat si Kris lalo’t mababa ang kanyang blood pressure.

Kahit may sakit at nahihilo tuloy pa rin sa pagtulong niya sa mga residente ng Puerto Galera si Kris. Pera at mga bigas ang tulong na ipinamamahagi nito na ipinagkatiwala niya sa Mayor ng Puerto Galera.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More