Una sa Balita

Angel nagka-black eye

0 309

Ang daming nag-react sa mga nakitang black eye ni Angel Locsin sa social media. Kitang-kita nga na nangingitim at may pasa ang kanyang mata.

Kung sino-sino ang pinagbintangan ng mga tagahanga ni Angel. Nandiyang gawa raw ‘yon ni Jessie (Ryza Cenon) o ni Tiago (Tirso Cruz III) na mga kasama niya sa “The General’s Daughter.”

Pero heto nga ang sey ni Angel:

“50 Shades of Black under my eye, na sinubukan kong i-mowdel. Any helpful tips on how to get rid of a black eye quickly, aside from vitamin C, arnica, & ice? I’m proud of my battle scars but this girl gotta work.

“PS. I was not abused. Thank you!”

Ayan, nilinaw agad ni Angel na hindi siya inabuso. Pero, bumaha pa rin ang mensahe, at pag-aalala ng mga nagmamahal sa kanya.

“What the….. ano ba yaaaaaan Anak?” sabi ni Eula Valdez.

“@eulavaldes binugbog ni Tiago at sinampal ni Amelia si Rhian @therealangellocsin,” sabi ni jeeabby.

Nakakaaliw naman ang reaksyon ng mga kaibigan ni Angel:

“Langya…natawa ako sa ‘I was not abused’ as if may maka-kagulpi sayo, ako nga ginulpi nyo for fun eh. Tan@#$ kapag may black eye ka, people know it’s because badass ka…and not because naging biktima ka,” sabi ni Chito Miranda.

Na sinagot naman ni Angel na, “@chitomirandajr gagi kaw lang talaga matatawa pag mag-blackeye ako eh, kaibigan nga kita.”

Pero siyempre, hindi nagpahuli ang dyowa ni Angel, na nag-comment din na nagpakilig sa mga fan at kay Angel na rin.

“Still the most beautiful girl in the world,” hirit ni Neil Arce.

“@neil_arce asus… love yew,” sagot naman ni Angel.

Pero oo nga, saan ba nakuha ni Angel ang pasa sa kanyang mata? (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy