Una sa Balita

Angel nag-repack ng mga relief goods

0 377

Rest, rest din ‘pag may time. ‘Yan nga ang payo ng mga nagmamahal kay Angel Locsin.

Eh kasi nga, bukod sa naglabas na naman siya ng datung para sa mga biktima ng pagsabog ng bulkan, hayun nga at tila kapos na naman siya sa tulog. Inuuna nga ni Angel ang pagtulong sa mga biktima, bago ang sariling kapakanan.

Sa kuwento ng isang volunteer, madaling-araw pa lang ay dumating na si Angel sa isang lugar sa BGC (na kung saan ay ginaganap ang pag-eempake ng mga relief goods) para tumulong sa pagre-repack.

Halatang walang tulog si Angel dahil sa kanyang mga mata na malamlam.

“Our super hero Darna is ready to fly,” sabi ni Mhyra Lucero sa video na abala ngang nagre-repack si Angel, kasama ang dyowa niyang si Neil Arce, at kaibigan na si Pocholo Barretto.

Simpleng-simpleng Angel nga ang makikita, na siya namang nakasanayan na sa kanya ng mga fan niya. Dahil si Angel nga, kapag walang showbiz event na pupuntahan, palagi naka-pantalon at shirt lang.

Mark Bautista pinalampas ang Aladdin-New York

Hinayang na hinayang si Mark Bautista sa pagkakataon na maging isa sa mga cast ng musical play na “Aladdin” sa New York. At ‘yon ay dahil lang sa pambabalewala, o hindi niya nakahiligan na magbukas ng mga email na ipinadadala sa kanya.

Heto nga ang laman ng email kay Mark:

“Hello. I am writing with appointment for a possible future replacement for the princilap role of Aladdin in the Broadway company of Disney’s Aladdin.”

Ang nakalagay na location nga sana ng audition ay sa Pearl Studios (500 8th Ave., 12th Floor, NYC).

Ang Associate Director na si Scott Taylor, Music Director na si Aron Accurso, at Casting na si Felicia Rudolph sana ang mga makakaharap niya.

Pero ‘yun na nga, dahil sa isang pagkakamali, na nitong January 10 lang niya nabuksan ang email, na ipinadala sa kanya nu’ng January 8, hindi nga niya ito napuntahan.

“WHY OH WHY!! Just opened this email now (January 10) Nanghina ako. #AladdinDream,” sabi ni Mark, na may gagawing concert sa Feb. 1, sa The Theatre Solaire, ang “1 For 3”, na ididirek ni Paolo Valenciano. Para sa detalye, tawag lang sa (+632) 8891.9999.

Pero teka lang, siguro next time, dapat ding ibigay ni Mark ang email address ng manager niya rito sa Pilipinas, ang Viva Artist Agency, para maalagaan ang mga bonggang offer sa kanya, lalo na ‘yang mga ganyan, na malaking oportunidad na makasama sa sikat na “Aladdin”.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More