Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Angel mahirap, masakit ang pinagdadaanan

0 100

Ramdam na ramdam ang pagdurugo ng puso ni Angel Locsin sa mga post niya sa social media. May kinalaman pa rin ito sa mga nangyari sa buhay niya, kasama na nga ang pagpapasarap ng ABS-CBN noong nakaraang taon.

“May 5, 2020 saved pictures on my phone.

“Isang taon na ang lumipas. Pero ang sakit ay hindi lilipas.

“Hirap man, pero kailangan pa ring bumangon. Para sa tao.

“Hindi man maintindihan ng iba ang nasa puso.

SM food to go Banner Ad

“Patuloy pa rin sa pagbangon.

“Hindi susuko at patuloy na lumalaban.
“Dahil para sa tao.

“Laging para sa tao. #abscbn,” ang patula na sabi ni Angel.

May mga fan nga na nagtanong kay Angel kung okey ba ito, lalo na at masyadong nakaka-trauma ang mga pinagdaanan niya, kasama nga ang naganap sa kanyang birthday community pantry.

“The past few months is hard and I hurt. I’m slowly healing. Salamat po,” sagot ni Angel. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.