Una sa Balita

Angel Locsin, plakda sa floor nang makita sina Ate Vi at Luis Manzano?

0 220

Binisto ni Angel Locsin ang nangyari sa kanya nang tawagin ang name niya bilang winner ng Best Actress in a Single Drama Performance sa katatapos na 7th Eduk Circle Awards noong Sabado.

Sa post ni Gel sa IG na hawak ang trophy, nakasaad sa bahagi ng caption niya ang, “Napa-dive at slide ako sa floor sa happiness (literal)! Sa mga nakakita, apir! Haha!” saka nagpasalamat sa naging bahagi ng episode ng weekly drama na kanyang ginawa.

Maraming salamat po #edukcircleawards for the Best Actress in a Single Drama Performance recognition para po sa aking pag ganap sa MMK's Kotse-Kotsehan episode ☺️ napa-dive at slide ako sa floor sa happiness (literal)!? sa mga nakakita, apir haha!???? . I would like to thank ABS-CBN, Tita Malou Santos, Ma'am Charo, Star Creatives, & MMK family for the trust & opportunity and for creating shows that reflect significant issues in our society and to our wonderful director Dado Lumibao, for creating such a collaborative and beautiful atmosphere on set and for trusting my instinct as an actor. To @thegloriousmakeup na pumayag mag segue from La Luna Sangre to MMK kahit tulala na sa antok hindi lang ako maiwan, I love you!? To the viewers, co actors, and story senders, THANK YOU!?

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

Umabot sa mahigit isang libo ang comments sa panalo ni Angel. Sa dami,

hindi namin maha­gilap ang komento ng rumored boyfriend na si Neil Arce. Tugon lang ni Gel ang lumabas sa feed, “@neil_arce annoyiiiiiiiiiiing.”

Wala naman sigurong kinalaman ang presence sa awards night ng mag-inang Cong. Vilma Santos-Recto at Luis Man­zano na kapwa nanalo rin ang award kaya napadapa si Angel, huh!

Lovi at Erich, chummy-chummy na ulit,matapos ang sampalan

Chummy-chummy na sina Lovi Poe at Erich Gonzales matapos lumikha ng kontrobersiya ang sakitan nila nang sampalin ng huli ang una sa isang shooting ng movie nilang The Signi­ficant Other ng Cineko Productions.

Lovi at Erich
Lovi at Erich

Si Lovi ang nag-post sa kanyang Instagram ng pic na magkasama sila ni Erich. “Maxene and Nicole say hey! Down to our last shooting day tomorrow…lezdothis! # TheSignificantOther,” caption ng Kapuso Prime Actress. Kahapon ang last shooting day ng Joel Lamangan movie.

In fairness, tumugon naman si Erich sa post na yon ni Lovi. “See you tomorrow @lovipoe.”

Nagkapatawaran na naman silang dalawa kaya wala nang dahilan para hindi nila tapusin ang mo­vie, huh!

Empoy, bagay sa title na Millennial Pogi

Hindi ipinapasok ni Empoy Marquez ang pressure sa kikitain ng bagong rom-com movie niyang The Barker na si Shy Carlos ang karomansa matapos ang blockbus­ter nila ni Alessandra de Rossi na Kita Kita.

“Wala pong pressure sa akin ‘yon. Sa akin lang, gusto ko lang magpasaya ng mga tao. Asahan po ng mga tao na iba-iba ang gagawin kong proyekto at para sa kanilang lahat po ‘yon,” rason ni Empoy sa grand presscon ng bagong movie.

Sa movie, barker siya ng jeep pero sa gabi, level up ang dating niya bilang crimebuster dahil naka-suit siya, huh! Eh ‘yung mukha ba niya, gusto niyang iparetoke ito tulad ni Xander Ford?

“Ahhh, hindi po pumasok sa isip ko ‘yon. Hindi na si Empoy ‘yon. Kung ano po ‘yung bigay ni Lord, ‘yun po ako!” katwiran ng Millennial Pogi.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy