Una sa Balita

Angel Locsin pahihirapan ni Janice

By
0 1,173

Napansin namin na ang laki na nang ipinayat ni Janice de Belen. Pero hindi raw siya nagdyi-gym. Siguro raw, ‘yung mga kilos-kilos na niya sa bahay ang pinaka-exercise niya.

Pero sa diet, maingat na raw siya at namimili na rin siya ng kinakain. Hindi na rin daw siya mahilig sa sweets dahil nakakatakot na rin daw. Pero pagdating sa meat, aminado itong kumakain talaga at sey pa niya, “carnivore ako, e, hindi ako mabubuhay na hindi kumakain ng meat.”

Nakita namin si Janice nang magkaroon ng soft launch ang online clothing shop na Zouk na @zouk.ph sa Instagram account. Eh, supporter pala si Janice ng online shop na ito ni Bianca Lapus at iba pa niyang partners kaya present ito nu’ng launch.

Doon nga namin napansin na mas slim siya ngayon. Puwede rin pinaghandaan niyang talaga ang bagong serye sa ABS-CBN, ang “The Gene­ral’s Daughter” kunsaan, sobrang ibang-iba raw ang character na mapapanood sa kanya dahil sobrang sama raw niya lalo na kay Angel Locsin.

Marami na rin daw silang naite-tape at masasaya raw kasi ang mga kasama niya sa serye even off cam at para kay Janice, importante ‘yun. At kahit na marami na silang nate-tape, natawa ang aktres nang tanungin namin kung kailan sila eere.

Sey niya, “Hindi ko pa alam. Mysterious pa sa General’s Daughter. Hahaha!”