Una sa Balita

Angel Locsin naawa sa mag-ina na tinanggihan sa ospital

0 843

Hindi halos makapaniwala si Angel Locsin sa nai-tag sa kanyang panawagan ng isang netizen kaugnay sa isang inang lumuluha dahil sa kundisyon ng kanyang anak na may sakit.

Sa kuwento at larawang nakarating sa twitter ni Angel, sinasabing tinatanggihan ang nasabing ina sa mga ospital para maipagamot ang kanyang may sakit na anak.

Sa kanyang tweet, bagamat may ideya naman si Angel kung bakit marami sa mga ospital ay sarado na sa ibang mga pasyente ito ay dahil sa COVID-19, hindi pa rin makapaniwala ang aktres sa sitwasyon ng nasabing mag-ina.

“Is this true? The hospital might have a reason. Though, every person has the right to health care w/o discrimination. If a person can’t be given immediate treatment, he shall be directed to wait for care or be referred to other capable medical facility for appropriate treatment,” sabi ni Angel.

Sa ngayon may mga ospital na hindi tumatanggap ng ibang pasyente na may ibang sakit, dahil sa paga-alalang baka mahawa ang pasyente ng coronavirus. (Rey Pumaloy)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More