Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Angel laban bawi sa death penalty

0 769

Bagamat ipinagdiinan ni Angel Locsin ang death penalty para sa mga mapatutunayang corrupt sa gobyerno agad niya itong binawi.

Sa kanyang IG story ay nag-react siya sa pahayag ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na hatulan ng “severe punishment” ang opisyal at empleyado ng PhilHealth na mapatutunayang guilty sa katiwalian.

“I’m against death penalty. But for the people who steal from the poor & sick, especially during a pandemic, you deserve the death penalty.”

Sinundan niya ito ng post na

“Changed my mind. Mahaba-habang pagkakakulong sa siksikan na preso, with no chance of parole (para) sa mga walang pusong corrupt officials,” lahad niya.

Talbog!

John Regala humingi ng tawad sa panganay na anak

Finally ay nakausap na ni John Regala ang kanyang panganay na anak na si John Paul Kieffer.Ito’y sa pamamagitan ng video call. 2002 nang huli raw niya itong nakatsikahan.

Si John Paul ay anak ng action star sa kanyang ex-wife na si Aurina.
Ayon sa news.abs-cbn.com, humingi ng tawad si John dahil matagal niyang hindi nakapiling ang anak na nasa ibang bansa.

Pak!

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.