Una sa Balita

Angel inspirasyon ni Dimples sa pagpapayaman

0 612

Humahabol sa yaman ni Angel Locsin ang bestfriend niyang si Dimples Romana. Kung ang pagbabasehan ay ang mga ari-arian ngayon ng “Kadenang Ginto” star, malapit-lapit nang pumantay sa mga naipundar ni Angel ang character aktres.

Sa nakaraang presscon para sa launching ng kanyang pagiging endorser ng Skin Magical (isang brand ng pampaganda), hindi nagpakiyeme si Dimples na isa-isahin ang kanyang mga naipundar.

Meron na siyang mga paupahang bahay, may mango farm na rin siya, nail spa, at marami pang iba.

Eh, dire-diretso rin ang kanyang trabaho sa Kapamilya network, kaya tuloy-tuloy lang ang pasok ng kadatungan sa kanya.

Si Angel ang inspirasyon ni Dimples sa pagpupundar.

Jessica, Karen, Korina ginaya ni Kuh Ledesma

Inaliw ni Kuh Ledesma ang kanyang mga follower sa post nito kina Karen Davila, Korina Sanchez at Jessica Soho. Sina Karen at Korina ay parehong ace newscaster ng news and public affairs ng Kapamilya, samantalang sa Kapuso naman si Jessica.

Sa kanyang video post, sinabi ni Kuh ang pagkakapareho ng mga nabanggit. Nag-demonstrate siya sa pamamagitan ng kanyang kamay.

Pinagdikit niya ito at hinawakan ang isa niyang daliri at saka nag-pose.

Mababasa sa comment ang katuwaan ng mga follower ni Kuh, na kuhang-kuha nito ang hand poise ng tatlong award-winning news personalities.

Walang nam-bash kay Kuh dahil fun at totoo ang post niya.

Siguradong hindi rin magri-react sina Korina, Karen at Jessica dahil kahit sila mismo ay aayon sa obserbasyon ni Kuh.

Anne pabago-bago ng mood

Sa anniversary post ni Anne Curtis ay humingi siya ng pasensya kay Erwan Heussaff dahil sa mood swings niya. Pinasalamatan din niya ang asawa sa pagiging mapagpasensya nito sa kanya.

Humihingi ng dagdag na pang-unawa si Anne at haba ng pisi kay Erwan sa posibleng challenge na pagdadaanan niya sa kanyang pagdadalantao.

Pero sisiguraduhin ni Anne na ibubuhos niya ang pagmamahal at pag-aaruga sa kanyang magiging baby. Hinihintay na lang ng mga netizen ang gender reveal ng dalawa sa kanilang anak.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy