Una sa Balita

Angel iniyakan ang pagkawala nina Maricel, Arjo

0 454

Emosyunal si Angel Locsin sa liham niya para kina Maricel Soriano at Arjo Atayde. Kalakip ng ilang masasayang video moment ni Angel kasama ang dalawa sa taping nila ng “The General’s Daughter” ay pinost ng Kapamilya actress ang mensahe niya kina Maricel at Arjo sa Instagram.

Ayon kay Angel, lagi siyang binibigyan ng kung ano-ano ni Maricel na nagagamit niya sa taping. Ramdam niya ang pagmamahal at malasakit sa kanya ng veteran actress.

Napaka-humble raw nito dahil ayaw nitong patawag na Diamond Star sa kahit na anong pagkakataon. Laging kinikilig si Angel sa mga kabaitang ipinapakita nito sa kanya.

Pagdating naman kay Arjo, pinuri ni Angel ang husay ng aktor na kahit galing silang dalawa sa masayang kulitan, pagsalang sa kamera ay in character na ito agad.

May mensahe si Arjo kay Angel pero ayaw pa raw buksan ito ng aktres.

Hindi pa kayang pakawalan ni Angel ang pagtatapos ng mga karakter ng mga ito sa kanilang serye, at hindi na niya makakasama sa taping ang dalawa.

Asahang imbitado sa kasal nina Angel at Neil sina Maricel at Arjo.

 

Baron ikinasal na sa non-showbiz girl

Ikinasal na ang mahusay na kontrabidang si Baron Geisler sa isang non-showbiz girl. Naka-post sa Instagram ng dating aktres at acting coach na ngayon na si Beverly Vergel ang civil wedding photos ni Baron na kuha sa Hall of Justice ng Manila.

Binati ni Beverly si Baron sa gitna ng dalawang larawan ng aktor na hawak-hawak nito ang kamay ng asawa at isa naman ay hinahalikan nito sa labi ang huli.

Walang nakaalam ng kasal na tila inilihim talaga ng aktor para sa kanyang privacy. Nakita na namin ang babae na kasa-kasama ni Baron sa nakaraang Sine Sandaan.

Maganda at petite ang nasabing misis ng aktor na noon ay naka-yellow Filipiniana gown sa selebrasyon ng 100 years ng Philippine Cinema.

Si Baron nga ay tinatawag na ngayong Datu Baron.

 

Shamcey nakakalula ang katalinuhan

Naloka ang netizen sa throwback photo ni Shamcey Supsup na unang pinost ng kanyang ina sa Facebook page nito. Ang nasabing throwback photo ay elementary report o school grade card ni Shamcey na ni-repost niya sa kanyang Instagram.

Sa academic report card, napatunayang hindi lang maganda ang Miss Universe runner-up kundi talagang napakatalino nito. Namumutakti sa 90 ang average grade nito sa lahat ng subjects.

Makikitang 98 ang pinakamataas ng beauty queen at ito ay sa sining pantalastasan sa Pilipino, at 96 naman ang grade nito sa English.

Kinuwestyon pa niya ang 92 grade sa subject na pag-uugali na pinakamababa raw, gayong pinakamataas na ito sa iba.

Umabot sa 95 percent ang kabuuang academic average performance ni Shamcey noong nasa elementary na ikinabaliw at hinangaan sa kanya ng netizen.

Napakasuwerte nga raw ng mister nito dahil natatangi ang pagiging beauty and brains ng kanyang misis.

 

Marjorie proud lola kay Millie

Lola na ang controversial mom na si Marjorie Barreto sa apo niyang si Camilla Marguirette o Millie, na anak ng panganay niyang si Dani Barretto.

Isang malusog at napakagandang bata ang panganay na anak nina Dani at Xavi Panlilio (businessman). Nakapost sa Instagram ni Marjorie ang larawan niya kasama si Dani na karga-karga naman ang kanyang baby.

Kumpleto ang pamilya Barretto na binubuo nina Julia, Claudia, Leon at ang bunso ni Marjorie. Walang pagsidlan ang kasiyahan sa puso ni Marjorie sa bagong blessing na dumating sa buhay nila.

At ayon sa kanya, dumating ang kanyang apo sa buhay nila sa panahong kailangan nila ng presensya ng Diyos.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy