Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Angel hindi nagbayad sa jeep

0 1,061

May iba’t ibang kuwento ang mga tao tungkol sa karanasan sa jeep.

Kaya naman marami ang naka-relate sa naging Tweet ni Angel Locsin nitong Linggo tungkol sa pagbabayad sa jeep.

“Taas kamay ang mga nakapag-123 na sa jeep! (smiley emoji and raised hand emoji),” sigaw ng aktres.

Tadtad agad ng reply ito mula sa mga netizen na super relate.

Ibig sabihin kasi ng nag-123 sa jeep ay maaring sinadyang hindi magbayad ng pamasahe sa jeep o pwede rin naman nakalimutang magbayad.

Napaisip tuloy ang mga netizen kung kabilang ba ang aktres sa nakaranas na hindi magbayad sa jeep, dahil sa kanyang tweet nga ay nakaangat ang kamay nito.

May mga napatanong din kung nangyari na ba ito sa aktres, ngunit hindi pa ito sinasagot ni Angel. Kaya tuloy mas napapaisip sila kung ico-conclude na ba ang silence ng aktres bilang ‘silence means yes.’ (Athena Yap)

Leave A Reply

Your email address will not be published.