Una sa Balita

Angel handang mamatay para kay Dimples

0 1,572

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyMinsan pa ay ipinaramdam ni Angel Locsin sa netizen kung gaano kalaki ang pagmamahal niya sa isang kaibigan. Makikita nga `yon sa kanyang Instagram post, at para `yon kay Dimples Romana.

Nag-birthday si Dimples kamakailan, ang isa sa mga matalik na kaibigan ni Angel. Kaibigan din ni Angel si Bubbles Paraiso na kung tawagin niya ay wifey.

Anyway, sa post ni Angel ng larawan nila ni Dimples, makikita na kahit ang buhay niya ay itataya niya para sa kaibigan.

“This is the person on this earth I will do anything to protect.  Happiest birthday mars,” sabi ni Angel.
Dahil sa post na ito ni Angel, mas dumami ang humanga sa kanya at halos lahat ng kanyang mga fan ay nangangarap na maging bestfriend ng aktres.

Well marami na ngang pinagdaanan ang friendship nina Angel at Dimples. Sa mga struggle ni Angel sa kanyang career at personal life, isa si Dimples sa dumamay sa kanya.

Subok na ni Angel ang lalim ng kanilang pagkakaibigan ni Dimples.

 

Jed hindi bilib sa mga biritera na walang puso

Isa sa mga dapat tandaan ng mga sumasali sa Tawag ng Tanghalan sa ‘It’s Showtime’ na hindi basehan ang husay sa pag-awit sa pagbirit.

Ayon kay Jed na madalas maging hurado sa TnT ng ABS-CBN 2, mas binibigyan niya ng puntos ang mga contestant sa pagbibigay ng mga ito ng puso sa kanilang mga kinakanta.

Bukod dito yung paglalagay ng kakaibang style o tunog sa inaawit ng kalahok.

Pag narinig daw niyang walang ibang flavor at damdamin ang pagkanta ng isang kalahok, hindi na niya ito pinapansin.

Sabi nga ni Jed sa naging guesting niya sa show namin ni Dondon Sermino ang ‘ABANTELLILING’, maraming puwedeng bumirit, maraming kayang abutin ang mga mataas na pitch pero kokonti lang ang nakakaramdam ng tunay na kahulugan at damdamin sa kanilang mga kinakanta.

Ayon sa world class singer, pangarap niyang magpatayo ng isang school para turuan ang mga aspiring singer para mas lalong ma-enhance ang galing  ng mga ito sa singing.

Isa ito sa mga pinaplano ni Jed na gusto niyang magkaroon ng katuparan bago man lamang siya maghinay-hinay sa pagkanta.

Anyways, minsan pa nating namnamin sa ating pandinig ang galing ni Jed, sa darating na Biyernes sa kanyang 15 year anniversary concert ang ‘Higher Than High’ sa Araneta Coliseum, kasama ang kanyang mga kaibigang lalabas para makasama sya sa entablado.

Labas pa hanggang ngayon ang kabuuang guesting ni Jed sa ‘ABANTELLILING’, sa Facebook page ng Abante News Online at Abante Tonite YouTube channel, kaya panoorin niyo na.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy