Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Angel for Senator: ‘Siraulo ka!’ — Alessandra

0 1,393

Naniniwala si Alessandra de Rossi na hindi kinakailangan ni Angel Locsin na tumakbo para sa pagka-Senador para lang mas makatulong.

Ito ang reaksyon ni Alex sa mga bali-balitang may mga humihikayat na umano kay Angel na tumakbo sa susunod na eleksyon.

“Sabi nila tatakbo ka raw na senador. Nyak, ‘di kailangan. Kaya mong lumipad. Nag-iisa kang ganyan. Minsan nadadala ng emosyon. Hello? Obvious ba? Napakalaking puso ang nasayo. Natural yun. Tao ka. Sira ulo ka. Mahal kita. Teka? May tribute? @143redangel nakita ko lang #ccto,” sey ni Alessandra.

Kalakip ng mensaheng ito ni Alex para kay Angel, ang photo compilation ng mga ginawang tulong ng aktres sa mga nasalanta ng bago, digmaan sa Marawi, pagputok ng bulkang taal, lindol sa Mindanao, pandemic at iba.

Tumugon naman si Angel sa post at nagpasalamat.

“Hahahaha salamat Alex, mahal kita!” sey ni Angel.

Walang binanggit si Angel o nilinaw sa reply nito kay Alex tungkol sa pagtakbo. (Rey Pumaloy)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.