Una sa Balita

Angel, Edu close pa rin, super kulitan sa Instagram

0 1,107

abante-paistaran-dondon-serminoHindi man nagkatuluyan sina Angel Locsin at Luis Manzano, nanatili pa rin ang magandang ‘relasyon’ ng aktres sa tatay ng TV host, si Edu Manzano.

Ang sarap ngang makita na nagbibiruan sina Angel at Edu sa social media, ha! At Tito pa rin ang tawag ni Angel kay Edu, ha!

‘Di ba nga, from Tito, dapat ay ‘Tatay’ na sana ang magi­ging tawag ni Angel kay Edu, pero hindi na nga nangyari, dahil si Luis ay may Jessy Mendiola na, at si Angel naman ay may dyowa na ring iba.

Anyway, sa #10yearchallenge na pinost ni Edu sa kanyang Instagram, na kung saan ay tinanong niya ang mga follower niya kung may nagbago ba sa itsura niya from 2009 to 2019, isa si Angel sa mga nagbigay ng komento.

“Yung necktie Tito, may budget na po para mag-necktie,” sabi ng bida sa The General’s Daughter.

Na ikinatuwa ng mga fan dahil hanggang ngayon, nagagawa pa ring magbiruan nina Angel­ at Edu, na wala ngang nabago sa magandang samahan nila mula noon hanggang ngayon.

Mga kontrabida natokhang sa ‘Amazing Earth’

Sa “Amazing­ Earth” ngayong­ gabi, ipakikilala ni Dingdong Dantes ang mga ‘Tropa Ng Mga Kontrabida’ gamit ang mga kantang “Bad Reputation,” by eco-celebrity Joan Jett, Queen of Rock and Roll.

Kilalanin din ang “Mag-ina, Tinambangan!” at sina “Boy Siga, ang Hari ng Ilog.”

Sa “Killer Queen,” the great white shark stalks its favorite meal, the brown fur seal, in the ocean. At sa “Mga Kon­trabida, Natokhang!” wolves show the silver lining behind their bad boy image when they single-handedly rehabilitate a whole park in a mere 2 decades!

Samantala, sa Laguna de Bay, in Sitio Bugarin, Bgy. Halayhayin, Rizal, Dingdong learns about urban composting from this week’s Amazing Earth hero, Evangeline “Tata” Domine, a housewife who has helped reduce solid waste from their Parañaque subdivision by 70%!

Tutukan yan sa Amazing Earth na mula sa direksyon ni Rico Gutierrez.

Devon Seron sa ‘I-Bilib’

Ang mga Kapuso Starstruck alumni na sina Nikki Co, Liezel Lopez, Faith da Silva at Cebuana actress na si Devon Seron ang makakasama ni Chris Tiu sa I-Bilib ngayon.

Ano ang mangyayari if you look into a rotating disc and jumpi into a target on water?
Posible ba na matunaw ang me­tal in a glass of hot water?

Can you build a tower made of raw spaghetti and marshmallows?

Samahan sina James and Roadfill as they have fun doing the bilibabol dancing tower with Kapuso cuties Nikki, Liezel and Faith!

Sa Huling Hirit, De­von celebrates the Pa­nagbenga flower festival of Baguio with a delicious fruit flower art!

Remember, make your Sunday mornings more exciting and educational with I-Bilib!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy