Una sa Balita

Angel, Dimples nagpakain ng mga batang inabandona

0 410

Sa unang tingin, iisipin mo nga na parang tinuturuan lang talaga ni Dimples Romana ang bestfriend niyang si Angel Locsin kung paano talaga magluto, na bilang paghahanda na rin sa pag-aasawa nito, pagbuo ng pamilya kasama ang movie producer na si Neil Arce.

Ang saya-saya kasi nilang dalawa habang naghihiwa, naghahalo si Angel ng mga putahe. Panay nga kasi ang biro ni Dimples, na ang pagluluto talaga ang unang dapat matutunan, dahil ayaw naman daw niya na puro itlog na lang ang kakainin ni Neil at ng mga magiging anak nila ni Angel sa hinaharap.

Tawa lang nang tawa si Angel sa ginagawa ni Dimples, lalo na kapag nag-a-ala-Daniela Mondragon ng “Kadenang Ginto” na ito.

“Napakasaya ng araw ko @143redangel nag-iisa ka. Salamat for making the kids and mommies of @SOSPhilippines happy and making them feel more loved. Napagtagum-payan natin ang pasta. Pwede ka na mag-asawa,” tweet ni Dimples.

Yes, may kinalaman nga sa isang magandang adhikain ang ginawang pagluluto nina Angel at Dimples. At ‘yun ay ang pagbibigay-ligaya, pagkain sa mga batang inabandona na nasa pakakalinga ng SOS CHILDRENS VILLAGES PHILIPPINES.

Ang SOS CHILDRENS VILLAGES PHILIPPINES ay non-government organization that provides long-term family-based care for orphaned, abandoned and neglected children.

At makikita nga sa Twitter account nila ang ginawang pagdalaw nina Angel, Dimples para ipagluto ng masarap na pagkain ang mga bata.

“The stars shone brightly yesterday, bri-nging gifts, cooking up a show in the kitchen, and sharing inside jokes with everyone. Thank you, @DimplesRomana @bamromana @143redangel and family, for being true friends — to each other and to every child. #SOSCVFriendsPH #FriendshipGoals.”
Kaya naman na-inspire nang husto si Minette Rimando sa ginawa ng magkaibigan.

“Very inspiring to see @DimplesRomana @143redangel helping orphaned, abandoned & children in need of @SOSPhilippines even coo-king pasta for these children despite their busy schedule. M­araming, maraming salamat. God bless you more.”

Well, kung l­ahat sana ng artista ay ganyan kabuti ang puso, siguradong mas maraming tao ang magiging masaya, at hindi magugutom. (D­ondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy