Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Angel binuking ang kinatatakutan ni Piolo

0 188

Sa YouTube channel ni Celeste Tuviera, ikinuwento ni Angel Locsin ang magagandang karanasan niya sa mga kasamahan niya sa trabaho. At una na nga riyan si Vilma Santos, nanay ng ex-boyfriend niyang si Luis Manzano.

Naikuwento nga ni Angel kung ano ang mga natutunan niya kay Ate Vi.

“Nakakatuwa siya, kasi kahit na siya si Vilma Santos, shes very humble, very professional. Hindi siya naghi-hesitate mag ask kung ano ang mga gagawin.

“At siyempre nakaeksena ko siya, inaabangan ko ang iconic sampal niya. Kilala isya bilang pinakamasakit na manampal!” sabi ni Angel.

Puring-puri rin niya si Richard Gutierrez na una niyang naka-love team.

“Si Richard forever ‘yan nasa puso ko na talaga kasi sabay kaming nagsimula. Kambal kami sa Click, hanggang sa naging magka-love team na kami. Ang dami naming pinagsahaman ni Chard, at happy na nakikita ko pa rin siya sa screen, kasi nababalikan ko pa rin kung paano ako nagsimula.

“Isa siya sa pinagdarasal ko parati na sana okey siya, okey siya. Nagmi-mirror ako sa kanya. At alam niya `yon, alam ng pamilya niya kung gaano ko sinusuportahan si Chard,” sabi ni Angel.

Pero, kaaliw rin ang kuwento ni Angel tungkol kay Piolo Pascual, na nakasama niya sa pelikula noon. Na sabi nga ni Angel, na sa eksenang kailangan niyang tumalon, si Piolo ang gusto niyang kasama. Na kesyo takot nga raw sa matataas na lugar si Piolo.

“Si Piolo, takot siya. So, gusto ko siya. Masaya `yon!” sabi lang ni Angel.

John Lloyd tumulong sa living legend

Hindi pa rin sanay si John Lloyd Cruz sa mundo ng vlogging. Hirap na hirap pa rin siyang humarap sa kamera para magsalita o magkuwento ng kung ano-ano.

Ang layo-layo nga ng John Lloyd na kinukunan ang sarili niya, sa John Lloyd na napapanood natin sa telebisyon, o pelikula, na super husay umarte.

Ramdam mo nga na hindi siya kumportable sa pagva-vlogging, o kahit sa Instagram story video man.

Pero, ginawa niya `yon para makatulong sa isang kaibigan, na nangangailangan ng tulong. Kaya kahit ramdam mo ang pagkailang niya, dahil paulit-ulit siya sa video, ginawa pa rin niya.

“Sana lahat ng naabot ng video na ito ay malayo kayo sa sakit,” sabi ni Lloydie.

Hiling niya noong oras na `yon na suportahan ang garage sale sa Palawan, dahil ang lahat ng kikitain ay para sa medial assistance ni Butch Morato.

“Isa siyang tunay na idol, tunay na living legend,” saad pa ni John Lloyd.

Sa latest IG story niya ay nagpasalamat siya sa lahat ng mga sumuporta sa garage sale.

“Malaking bagay po ang naitulong niyo,” sabi ni Lloydie.

Leave A Reply

Your email address will not be published.