Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Angel binigyan ng negosyo ang sapatero

0 414

Dedma na si Angel Locsin sa mga bumibira sa kanya, at tuloy-tuloy lang talaga siya sa pagtulong sa mga kababayan na nangangailangan.

Katunayan, nagpunta si Angel sa Marikina para tulungan ang isang sapatero na na sa gitna ng pandemya ay pilit pa rin na gumagawa ng mga sapatos.

Nakilala ni Angel si Mang Rey na 33 years nang binubuhay ang pamilya bilang isang sapatero. Mahirap talaga ang buhay dahil mahina raw ang customer mula nang magpatupad ng lockdown.

“Wala ngang kinikita dito ma’am, mahina. Minsan kikita lang ako ng P300, minsan P400. Ang pangarap ko lang ay maayos lang ang mga anak ko,” sabi ni Mang Rey.

Tinutulungan naman siya ng asawa niyang si Aling Flora sa pagtitinda ng street food para makaraos.

“Sa maliit na kinikita ko sa pagbebenta, nakakaraos na po kami sa pambili ng kape at ulam. Dati nagtitinda ako ng kakanin pero ngayon nasubukan ko itong hotdog, cheese sticks dito lang sa mga kapitbahay,” sabi niya.

Bilang tulong, nagbigay si Angel at team ng “Iba ‘Yan” ng emergency kits, relief packages, at maging kabuhayan showcase sa tulong ng lungsod ng Marikina at shoe shop na Zapateria.

In fairness din sa alkalde nito na si Mayor Marcelino Teodoro dahil binigyan niya ng libreng pwesto at hindi na pinag-asikaso pa ng mga permit si Mang Rey.

Nakakatuwa panoorin ang “Iba ‘Yan” dahil positive vibes lang ito at masayang makitang mapagaan ang buhay ng mga kababayan nating kapos sa pangangailangan.

Marami tuloy ang nagsusulong pa rin na ibalik ang ABS-CBN sa ere dahil sa mga palabas na gaya nito na nagdadala ng pag-asa at inspirasyon sa mga manonood. (DS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.