Una sa Balita

Angel binigyan ng baril ni Coco

0 462

‘Di nakatulog:

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloy

Sinorpresa at pinasaya ni Coco Martin ang tatlong mga bida ng teleseryeng “The General’s Daughter” sa biglaang pagdalaw ng aktor sa set nila.

Hindi inaasahan ng cast at production team ang biglaang pagsulpot ng bida sa longest-running action serye sa Kapa-milya network, ang “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Pero hindi natapos lang sa pagdalaw ni Coco ang pagsulpot nito sa taping, nag-iwan pa ito ng souvenir, o regalo kina Angel Locsin, Paulo Avelino at Albert Martinez.

Naka-post sa Instagram ni Angel ang larawan nilang tatlo.

“Glock 17 sponsored by @mr.cocomartin. Grabe ka paps! Nagulat kaming lahat at may biglang dumating sa set! Salamat sa bago naming toy!!!! Hindi ako makakatulog neto hahaha!”

Ang tinutukoy ni Angel na toy ay ang hawak-hawak nilang mga baril nina Paulo at Albert.

Hindi kataka-takang matuwa ang tatlo dahil certified gun-firer ang mga ito. Nag-training ang tatlo sa fi-ring.

Si Angel ay matagal na ring nagsasanay sa paghawak at pagputok ng baril mula pa noong nasa GMA-7 pa lang ito, lalo na nu’ng magsama sila ni Robin Padilla sa teleserye.

Anyways, hindi nilinaw ni Angel kung ano ang pakay ni Coco sa biglang pagbisita nito sa set nila. Maaaring may kinalaman ito sa MMFF 2019 movie entry ng aktor, at nais niyang mag-guest ang tatlo sa kanyang pelikula.

Robi, Gretchen balikan tinutulan ng mga fan

Tumututol ang mga nananati-ling solid sa dating tandem o romantic-partnership nina Robi Domingo at Gretchen Ho. Mababasa ang pagnanais ng kanilang fans na magkabalikan sina Robi at Gretchen sa photo na pinost ng una sa Instagram na kasama ang girlfriend niya.

Kuha ang larawan sa abroad, at makikitang masaya ang mood nina Robi at ng babae.

“To all the weird, funny and memorable moments we’ve made…and definitely more. Thank you for making me smile all the time,” caption ni Robi.

Sumuporta naman sa post sina Iza Calzado at Melai Cantiveros na masaya sa estado ng love life ni Robi.

Well, ilang taon na ngang hiwalay sina Robin at Gret-chen pero may mga matitibay pa ring fan ang dalawa na nangangarap sa balikan nila. Pero ‘yun nga, mas marami ang tumutol.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy