Una sa Balita

Angel ayaw kay Jane na Darna

0 608

Mas bet si Julia

Bongga ang pagbabalik telebis­yon ni Julia Montes, dahil sunod-sunod na agad ang mga project na ginagawa niya. Una na nga ang “24/7” na talagang tinutukan ng mga fan niya.

Sobrang saya ng mga fan niya na napapanood ulit siya. Bumuhos nga ang mga comment ng mga fan dahil sa sobrang excitement nila, pero ang umagaw ng atensyon ng lahat ay nang tawagin ni Angel Locsin si Julia Montes na “My Darna” sa comment nito sa post ni Julia.

Kaya tanong ng mga fan kung si Julia nga ba ang personal pick or choice ni Angel na maging Darna?

Eh paano ‘yan? Si Jane de Leon na ang pinasahan ng bato ng mga head.
Bunga niyan, medyo nalito ang mga fan kung may posibilidad pa nga bang mapalitan si Jane na maging Darna? Pero, malabo na nga ‘yon dahil ang alam ko ay nagsyusyuting na si Jane ngayon.

Pero, malay natin. Magbago kaya ang isip ng mga direktor at producer ngayo’t inilarawan ng da­ting Darna na si Angel ang kaibi­gang si Julia bilang Darna?

Anyway, marami ang netizen na sumang-ayon na mas maganda nga kung si Julia ang ma­ging Darna dahil sa palaban na characteristic ng mukha nito at mismo kahit ang kanyang mga kilos ay swak sa pagi­ging Darna. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More