Una sa Balita

Angel atras sa kontrata sa ABS-CBN

0 619

Nagpahaging na sa posibleng hindi pagre-renew ng kanyang kontrata si Angel Locsin sa ABS-CBN 2. Pero hindi ito dahil sa isyu ng prangkisa, kundi dahil sa haharaping personal na pag-aasikaso sa kanyang kasal.

Isa ito sa laman ng mensahe ni Angel sa mga larawan na pinost niya sa Instagram, na kasama ang staff and crew sa mga teleseryeng ginawa niya sa Kapa­milya network.

Ang rason nang pagpo-post ni Angel ng mga larawan na ‘yon ay upang ipakita sa lahat ang epekto na idudulot sa mga ito o sa kanilang kabuhayan, ma­ging sa buong pamilya nilang umaasa sa kinikita nila sa estasyon, kapag nagsara ang network.

“I may have not renewed my contract with ABS since I’m preparing for my wedding but these men will always be my family and I will stand by them. Mahal ko sila at hindi po ito drama kundi kung sino po ang mas magdurusa sa sitwasyong ito…” sabi pa ni Angel.

Hinuhulaang bago matapos ang taong ito ay ikakasal si Angel kay film producer Neil Arce. May mga nagsasabi na sa unang buwan ng 2021 magaganap ang wedding ceremony nila.

Bantayan ang demokrasya – Enchong Dee

Inaasahan na ni Enchong Dee na kukuyugin siya ng mga troll, o kaya ay mga supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte, dahil sa letter na pinoste niya sa kanyang Ins­tagram, na naglalabas ng kanyang sama ng loob sa mga maling akusasyon na ipinupukol sa Channel 2.

Isinusugal na rin ng aktor ang kanyang kasikatan sa panawagan niyang maging vigilant sa demokrasya.

“I always tell people that “Artists should be the first line of defense of our democracy”, people tend to agree, but mostly do nothin­g good about it or get reprimanded for sayin­g something political. Very few listen and even fewer are brave enough to stand their ground because of the “reputation”… now that ABS CBN (my home for 15 years) is being wrongly accused of so many things… I am angry, I am sad, I am bothered.

“But again, this is not the first time that we will pass through a dark tunnel. I know that we will rise together stronger than ever before kasama ng libo-libong empleyado ng ABS-CBN. I am a Filipino first and my job comes second, let’s be vigilant not only because we are Filipinos fightin­g for the democracy and constitution of our country.

“I know after this post, paid trolls would attack me but I am stand firm with my beliefs and I am not afraid to lose my little popularity!” sabi ni Enchong.

Pinuri ni Karen Davila sa kanyang Tweet ang liham na ito ni Enchong.
“@enchongdee777. You see what is truly at stake!” sabi ni Karen.

Dahil sa coronavirus: Iñigo Pascual ‘di nakasama sa European concert

Dahil sa coronavirus naudlot ang dapat sana ay European tour ni Iñigo Pascual kasama ang bagong tatag na London-based all male band na New Rules.

Ang New Rules ay itinatag last year, na kinabibilangan ng mga kabataang sina Nathan (21, London), Ryan (19, Dublin), Alec (18, London), na pawang mga songwriter at musikero.

Malungkot na nakaposte sa Instagram ni Iñigo ang kanyang official announcement kaugnay sa pagkakansela niya ng partisipasyon niya sa dapat sana ay pagsama niya sa UK tour ng nasabing boy band.

“It is with regrets to share with you that I am cancelling, may participation in the upco­ming Ireland and UK Tour with my new family, New Rules, due to current travel restrictions affecting the global community.

“To our fans in Europe, I look forward to meeting you in the future. Thank you guys for the support!

“To New Rules, wishing you a very successful tour ahead and I can’t wait to work with you guys again.”

Isa na sanang magandang vehicle ito kay Iñigo para maka-penetrate sa international market, partikular sa Europe, pero hinarang ito ng coronavirus.

Charo Santos kinilig kay Daniel Padilla

Nagmistulang fan si Charo Santos kay Daniel Padilla sa pinoste ni Karla Estrada na larawan ng anak niya kasama ang mahusay na aktres. Magkasama sa film project sina Charo at Daniel, kung saan nasaksihan ng una ang professionalism at husay ng huli.

“This kid is really something! I’ve been watching him since he started pero iba pala when you get to work with him…at lalo pa when you get to actually know him! He ama­zes me in every scene! (and the fan in me gets kilig everytime…sorry @bernardokath..) @supremo_dp you are one of a kind..continue to love your art, your craft and your family. You still have a big world to conquer..go for it! I will be proudly watching. Can’t wait for everyone to watch this film.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More