ANGEL, ‘ANGHEL’ NG EX-BF NI BELA!

By

Bela Padilla (Photo By: Boy Borja)
Bela Padilla (Photo By: Boy Borja)

Sa presscon ng Luck At First Sight, na pinagbibidahan nina Jericho Rosales at Bela Padilla, kinulit talaga ng press si Bela sa pagkaka-link ng kanyang ex-boyfriend na si Neil Arce kay Angel Locsin.

May nakakita nga na magkasama sina Neil at Angel sa Hong Kong kamakailan. Ayon kay Bela ay wala naman daw problema since break na sila ni Neil at karapatan naman daw ‘yun ng binata. Okay naman sa kanya kung saan maligaya si Neil at ayaw naman niya ring mag-comment since hindi naman niya alam kung tala­gang sina Neil at Angel na ngayon.

Ang Luck At First Sight na ipapalabas sa May 3 ay co-produce nina Neil Arce at Joyce Bernal na Viva ang magre-release. Kaya bilang magkaibigan ngayon ay mas okay ang pag-uusap nila ni Neil tungkol sa ikagaganda ng pelikula at kung papaano i-promote ito. Kaya okay na okay sila ni Neil.

May kaibigan si Neil na pinagtanungan ko sa tunay na estado nina Neil Arce at Angel Locsin at ito lang ang naisagot niya sa amin, “Sa sobrang pagdarasal ni Neil sa Panginoon ay binigyan siya ng isang “ANGHEL”. PAK GANERN!!!!!

SHARE