Una sa Balita

Angel 5 taon nang nganga kay Coco

By
0 3,580

Atat na atat na si Angel Locsin na makatrabaho si Coco Martin. Siya mismo ang umamin na limang taon na siyang naghihintay ng project with the Primetime King, pero up to now, bokya pa rin siya.

Naniniwala si Angel na darating ang araw na makakasama niya si Coco. Kung nakapaghintay nga raw siya ng limang taon, ano ba ­naman ‘yung ilang taon na lang ang hihintayin pa niya, pero ‘wag naman daw sana na another 5 years pa dahil ano na ba ang roles nila noon?

Hindi pa alam ni Angel­ kung ano ang susunod niyang project, at concentrated­ muna siya sa Pilipinas Got Talent.