Angat dam balik critical level
ISANG linggo matapos umakyat sa normal level, bumaba muli sa below critical level ang antas ng tubig sa Angat dam.
Sa monitoring ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration(Pagasa) nasa 159 meter ang water level sa Angat dam mababa sa 160.30 meter na naitala noong Miyerkoles.
Dahil sa pagbaba muli ng tubig sa Angat dam ay binaba ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyon ng tubig sa Me-tropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at sa mga concessionaires, mula sa regular na alokasyon na 46 cms ay ginawa itong 36 cms.
Related Posts
Aminado ang Pagasa na bagama’t nakakaranas ng pag-uulan ay hindi pa ito nakakadagdag sa antas ng tubig sa Angat dam kaya na-ngangaila-ngan pa rin ng pagtitipid.
Inaasahan ng Pagasa na pagsapit pa ng Set-yembre magiging normal ang water level sa Angat kung saan dalawang malalakas na bagyo ang inaasahan ng ahensya na papasok sa bansa. (Tina Mendoza)