Una sa Balita

Angat Buhay ngayong 2018

0 435

Isang taon na naman ang lumipas sa pagpapatupad ng progra­mang Angat Buhay ni VP Leni Robredo, at patuloy tayong nagtatrabaho para maabot ang mga kababayan nating nasa pinakamaliliit, pinakamalalayo, at pinakamahihirap na bayan.

Noong nagsimula kami sa Office of the Vice President, dala namin ang hangaring makatulong sa ating mga kababayang nasa laylayan. Batid ni VP Leni na kailangan na­ting abutin lalo na iyong mga kadalasang hindi nararating ng tulong.

Ngunit hindi ito madali, lalo pa’t walang sapat na budget ang OVP para sa mga proyektong makakapagpabago ng buhay ng mga mahihirap na Pilipino.

Kuwento ni VP Leni noong Nobyembre sa isang youth summit, “Perhaps not many of you know this, but our office has one of the smallest budgets in the bureaucracy. When we discovered that our office does not have the mandate nor the resources to create and implement programs, we decided that we could not sit idly by and spend the next six years merely doing ceremonial functions.”

“So, when we assumed office more than two years ago, I told my staff that we needed to find innovative ways of doing more with what little resources we have.”

Dito ipinanganak ang Angat Buhay prog­ram ng OVP sa pamumuno ni VP Leni.
“In October of 2016, we launched an anti-poverty program called Angat Buhay—which in English translates to “uplifting lives”—where we positioned ourselves as a bridge between communities needing help and organizations wanting to help.”

“Through collaboration and partnerships, we responded to the most urgent of needs of the poor and marginalized, in ways that can be sustainable and scalable rather than cosmetic one-time, big-time assistance,” dagdag ni VP Leni.

Sa pagpupursigi ng buong Angat Buhay team at ni VP Leni, patuloy ang paglago ng mga partnership mula sa iba’t ibang sektor na buong puso ang pagtulong sa ating mga kababayan. Ngayon ay mayroon nang 250 na organisasyong ka­tulong ang OVP para maabot ang ating mga kababayan sa laylayan.

Lumago na rin sa 176 na cities at municipalities ang nahahatiran natin ng tulong sa iba’t ibang paraan gaya ng Disaster Relief and Rehabilitation, AB Youth, AB Women, at Metro Laylayan.

Ang mga mode of engagement na ito ang hindi lang nagdadala ng agarang tulong sa ating mga kababayan, kung hindi nagbibigay din sa ating mga kababayan ng pagkakataon na sila mismo ang magbago ng kanilang kinabukasan.

Katulad ng sa AB Youth kung saan nagbibigay tayo ng mga lea­dership development program sa ating kabataan. Ang AB Women naman ay nagpapalago ng kakayahan ng ating mga kababaihang kumita para sa kanilang mga pamilya sa pamamagitan ng capacity building training at iba pa.

Sa ngayon, nakatulong na tayo sa 338,426 na beneficiaries sa buong bansa at hindi pa tayo tapos.

Sa darating na 2019, makakaasa po kayong hindi kami titigil na tumulong sa ating mga kababayan. Hindi po titigil si VP Leni na umikot sa buong Pilipinas para alamin ang inyong mga pangangailangan at maghatid ng solusyon kasama ang Angat Buhay team at mga partner na patuloy na nakaantabay tumulong para magdala ng mas magandang kinabukasan sa lahat.

Happy New Year po sa lahat!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy