Una sa Balita

Angas ni Lee sa Game 2 isusustena

By
0 1,022

NAGKATOTOO ang inaabangan ni NLEX coach Yeng Guiao, pumutok nga si Paul Lee sa Game 2 para akayin ang Magnolia Pambansang Manok sa pambawing 99-84 panalo sa MOA Arena kamakalawa ng gabi.

Tumabo si Lee ng 27 points mula sa 9-of-19 field goal shooting, 4-of-9 mula sa 3-pointers.

“I hope ma-sustain ni Paul ‘yung ganyang atake,” pahayag ni ­Hotshots coach Chito Victolero.

Itinabla ng Magnolia ang best-of-seven series sa tig-isang laro, magbabasagan ang dalawang teams sa Game 3 ngayon, Miyerkoles sa Smart Araneta Coliseum.

Suot ng Hotshots ang jersey na may number 15 para kay Marc Pingris na inabot ng knee injury sa 88-87 loss sa opener.

Wala din sa Magnolia si Justin Melton na may hamstring injury, hindi pa 100 percent si Marc Barroca pero ­nag­laro.

“Every now and then nagte-text si Ping, gawin itong larong ito para sa buong team,” dagdag ni Victolero. “One of my best post defender, and one of my best peri­meter player nawala.”

Mula sa 70-62 lead pagkatapos ng three, kumalas ang Magnolia sa fourth, 80-64, nang pumutok din si PJ ­Simon.
Umayuda ng 18 points at eight rebounds si Ian Sangalang sa Hotshots, tumapos ng 11 si Barroca. (Vladi ­Eduarte)