Una sa Balita

Angara top 3, Doc Willie Ong umangat sa Pulse Asia senatorial survey

0 402

NAKOPO ni Senador Sonny Angara ang ikatlong puwesto sa pinakahuling survey ng Pulse Asia sa mga pinapaborang mananalo sa senatorial elections ngayong Mayo.

Sa isinagawang survey noong Disyembre 14-21, 2018 na nilahukan ng 1,800 respondents, si Angara ay nakakuha ng 58.4% na naglagay sa kanya sa ikatlong puwesto.

Sa hiwalay na survey ng Social Weather Station noong nakaraang buwan, nasa ikatlong puwesto din si Angara.

May survey man o wala, nanindigan si Angara na pagsusumikapan ntiong mapabuti ang kalaga­yan ng mamamayang Pilipino.

“I am elated and humbled by the latest Pulse Asia survey results. My heartfelt thanks to the public for their continued thrust and confidence.
This latest snapshot of how voters perceive their preferred candidates will inspire me to work harder in 2019 and the years to come to make people’s lives better,” saad ni Angara.

Unti-unti namang umaangat sa survey si Doc Willie Ong at nau­ngusan pa ang mga kilalang politiko sa bansa.

Si Ong, kolumnista ng Abante, ay nakakuha ng 6.8% pero malaki ang pag-asang umangat pa dahil sa 43% lang ang awareness nito o hindi pa siya nakikilala sa mara­ming panig ng bansa.

Nanguna sa Pulse Asia survey si Senador Grace Poe kung saan ang Magic 12 ay dinomina ng limang reelectionist, limang dating senador at dalawang bagito.