Una sa Balita

Angara suportado ng liderato ng Senado

0 294

KABI-KABILANG suporta mula sa matataas na opisyal ng Senado ang nakuha ni reelectionist Senator Sonny Angara sa kanyang muling pagtakbo bilang senador.

Nitong Linggo, sa kanyang pagdalo sa pulong na inorganisa ng partido lokal na One Batangas sa Lipa City na kinabibilangan ni Senator Pro Tempore Ralph Recto at ng maybahay nitong si Congreswoman Vilma Santos-Recto, pormal nilang inendorso ang kandidtura ni Angara at ng pitong iba pang kandidato para sa midterm elections sa Mayo 13.

Nauna rito kamakailan, inendorso rin si Angara nina Senate President Tito Sotto, at Majority Leader Juan Miguel Zubiri. Sa mga kapwa senador naman, kabilang sina Senador Joel Villanueva at Sherwin Gatchalian sa mga nagpahayag ng solidong suporta sa kanyang kandidatura.

Isa rin sa mga nagbigay ng suporta kamakailan sa kandidatura ni Angara ang Filipinos for Peace, Justice and Progress Movement (FPJPM), ang partidong nanguna sa kandidatura ng namayapang Fernado Poe Jr., noong 2004 presidential elections.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy