Una sa Balita

Angara sa publiko: Magtiwala sa bakuna kontra tigdas

By
0 368

KINUMBINSI ni Senador Sonny Angara ang mga magulang na ibalik o panatilihin ang tiwala sa bakuna kontra tigdas.

Ayon kay Angara, bakuna pa rin ang pinakamabisang panlaban sa mga karamdamang tulad ng tigdas at sa mga komplikasyong dulot nito.

Ayon kay Angara, isa sa mga author ng Universal Healthcare bill na naglala­yong gawing all-inclusive ang health coverage sa lahat ng Pilipino, ang bakuna kontra tigdas ay libre lamang na ibinibigay sa mga health center lalo na sa mga rural health clinic sa iba’t ibang sulok ng bansa.

“Nananawagan tayo sa mga magulang na pabakunahan ang kani-kanilang mga anak laban sa tigdas. Kung hindi po natin ito pahahala­gahan, tiyak na mas mala­king problema po ang kahaharapin natin at ang mga anak natin ang magdurusa. Kapag po lumala ang tigdas, maaari itong magkaroon ng komplikasyon sa baga at sa utak na maaari nilang ikasawi,” saad ni Angara.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy