Una sa Balita

Angara sa mga OFW: Mag-impok sa PERA

By
0 2,386

HINIKAYAT ni Senador Sonny Angara ang mga overseas Filipino worker (OFW) na mag-impok para sa kanilang retirement sa Personal Equit­y Retirement Account (PERA).

Ang PERA ay ang unan­g boluntaryong retirement account na may insentibo.

“Malaking sakripisyo para sa ating mga OFW ang magtrabaho abroad at iwan ang kanilang pamilya para mabigyan sila ng magandang buhay. This is why we encourage our OFWs to save and invest their earnings here in the country so they can secure a comfortable retirement and be with their families,” saad ni Angara.

Immediate-Hiring-Ads

Nabatid na ang PERA ay boluntaryo at personal account para sa retirement kung saan maa­aring mag-invest hanggang P200, 000 kada taon.

Ang mga OFW naman ay maaaring maglagak ng hanggang P100,000 kada taon.

Kahit aniya ang OFW na nasa abroad, ang kanyang asawa at anak ay maaaring magbukas ng PERA account.

“Totoong ang pagpapaaral sa mga anak ang pinakamahalagang investment ng ating mga OFW para guminhawa ang buhay ng kanilang pamilya. Pero dagdag dito, malaking tulong ang PERA para masiguro na may naipong pera ang ating mga kababayan abroad pag-uwi ng Pilipinas,” dagdag ni Angara.

Pagdating sa retirement age na 55, lahat ng mga payment at distribution ay magiging tax-exempted na.

Maaari rin itong ma­kuha sa pamamagitan ng lump sum o pension sa ilang panahon o pang habambuhay.

Pinapayagan din ang withdrawal sa mga kontribusyon sa loob ng limang taon subalit mayroong kaukulang penalty maliban sa mga kaso ng pagkaimbalido o aksidente.

“PERA investments have higher returns because it is a tax-free investment income. PERA supplements the social pension Filipinos can get from SSS or GSIS. It especially targets OFWs, who may not be contributing to either of these funds,” paliwanag pa ng senador.

“Marami sa ating mga Filipino ang hindi nakaugalian mag-ipon o hindi alam kung saan mag-iinvest. Nakalulungkot na may ilang OFW ang nabiktima din ng bitcoin scam kamakailan lamang. Para siguradong ligtas at malaki ang kita, hinihikayat natin sila na mag-invest sa PERA,” dagdag pa nito.