Una sa Balita

Angara proud sa pagsigla ng turismo sa Aurora

By
0 305

BALER — Lumobo sa napakataas na porsiyento ang turismo ng lalawigan ng Aurora sa loob ng 11 taon, mula sa pagiging simpleng probinsya lamang nito nang mga nakalipas na panahon.

Ito ang dahilan ng labis na kasiyahan ni Senador ­Sonny Angara, tubong Baler, Aurora, kaya’t ipinagmamalaki niya sa lahat ang malaking hakbang na nagawa ng kanyang lalawigan sa larangan ng turismo.

Sa loob ng 11 taon, ani Angara, nakatataba ng puso na tumalon nang halos 12,000 porsiyento ang antas ng kanilang turismo. Ito, ayon sa kanya, ay base sa datos na ipinalabas ng gobyerno hinggil sa tourist traffic sa naturang lugar.

“Nakatutuwa na ngayon, nakikilala na ang ­Aurora bilang isa mga lalawigang dinaragsa ng mga turista,” pahayag ni Angara sa kanyang pagbisita sa ­Aurora upang makiisa sa pagdiriwang ng ika-40-taong ­anibersaryo nito.

Nakamamangha na mula sa naitalang 10,782 tourist arrivals lamang noong 2007, halos P1.3 milyong turista na ang iniulat na dumagsa sa Aurora nitong 2018.

Ayon sa senador, dapat lamang ipakilala sa madla ang mga naturang lugar dahil tiyak aniyang malaki ang maitutulong ng mga ito sa mas pag-usbong pa ng turismo sa buong lalawigan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy