Una sa Balita

Angara: Programa sa kabataan rebyuhin

0 348

Itinutulak ni Senator Sonny Anga­ra na rebyuhin ang iba’t ibang programa para sa kabataan para makita kung naging epektibo ito at matukoy ang susunod na mga hakbangin para mapalakas ang papel ng mga ito sa lipunan.

Bilang chairman ng Committee on Youth, naghain si Angara ng Se­nate Resolution 320 na naglalayong suriin kung naging epektibo ba o hindi ang mga programa para sa kabataan. Nakatakda ang pagdinig sa Peb. 18.

“We want an inventory and eva­luation of the laws and programs for the youth because we have to know whether these are still worth continuing,” sabi ni Angara.

“There may be some laws that are no longer relevant and may have to be amended or even repealed already,” dagdag pa nito.

Binigyang-diin pa ni Angara ang kahalagahan ng pamumuhunan sa kabataan dahil ang bilang ng mga Pinoy na may edad 15 hanggang 30 ay aabot na sa P30 milyon ngayong taon, batay sa datos ng Philippine Statistics Authority. Ito ay 1/3 na total population ng bansa.

Ilan sa mga batas na ginawa para mapalakas ang kabataang Pinoy ay ang R.A. 10931 o Free College Law, R.A. 10647 o Ladderized Education Act, R.A. 10687 o UniFAST Act, at R.A. 10665 o Open High School System Act.

Ang mga programa naman ng gobyerno para sa kabataang Pinoy ay ang Government Internship Prog­ram, JobStart Philippines Prog­ram, Special Program for Employment of Students, Labor Education for Graduating Students, at ang Youth Entrepreneurship and Financial Literacy Program. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More