Una sa Balita

Angara pagaling na sa COVID

0 386

Bumubuti ang pakiramdam ni Senador Sonny Angara matapos tamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

“Recovering thanks to your prayers and some good medical attention,” pahayag ng 47-anyos na senador sa kanyang Instagram post Lunes ng gabi.

Makikita sa larawan na kumakapal niyang bigote gayundin ang kanyang balbas.

Nagpaabot naman magagandang mensahe ang mga supporter at kaibigan ng senador para sa kanyang mabilis na paggaling.

Si Angara ang pangatlong senador na tinamaan ng COVID-19. Ang iba pa ay sina Senate Majority Floor Leader Juan Miguel Zubiri at Senador Aquilino “Koko” Pimentel III.

Natanggap ni Angara ang resulta ng kanyang COVID-19 test noong Marso 28, sampung araw matapos isagawa ang pagsusuri. (Dindo Matining)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More